---Napatitig siya sakin pero kalaunan ay napanguso.
"I deserve it though." Sabi nito kaya napangalumbaba nalang ako at tinignan siya.
"Wag mo nang dagdagan pa ang pasa mo, Aziel." Sabi ko dito.
Napakagat labi ito at napatango bago nagpatuloy sa pagkain. I also did the same. Nang matapos ay ako na ang naghugas, ayaw niya pa nga sana pero binantaan ko siya.
May sakit na't lahat lahat, gusto pa ring maghugas. Tapos may iniinda pa.
"Kaya mo ba ang lamig ng yelo ngayon?" Tanong ko dito nang makabalik.
Napatingin siya sa dala kong iced cubes at cloth.
"I told you, stop worrying about it, Ellie. Gagaling naman iyan." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi nito.
"Bilis na, alisin mo na damit mo. At pwede ba, mag short ka, ang init init." Sabi ko dito kaya napanguso siya bago tumayo.
"Sandali, Ellie ko." Sabi nito at umalis na. Napakagat labi ako, Ellie ko's back.
Hindi naman nagtagal nung bumalik ito, wearing a black cotton shorts. Napasinghap ako ng makita ang pasa sa both sides ng paa niya.
Mas maliwanag dito kaya kitang kita iyon unlike kagabi. The light inside the bedroom is yellow kaya hindi gaanong maliwanag.
Napakagat labi ako bago inilagay sa cloth iyong mga iced cubes. I then reached for the hem of his shirt.
Tinignan ko siya to gesture him his shirt, na alisin niya, pero naabutan ko siyang nakatingin lang sakin, pinapanood ako.
"Your shirt, Aziel." Sabi ko dito.
Dahan dahan siyang tumango bago inalis na ang damit niya. It took him long dahil siguro masakit tuwing ginagalaw.
Nang maalis iyon ay napangiwi ako, grabe talaga! Anong nangyari dito. It's violet gosh.
Nakakainis ang taong gumawa nito sa kanya! Kung sino man siya, sana makarma siya. Nakakainis!
I pulled a chair near him and sat there before starting to damp the cloth on his bruise. Napaigtad pa ito ng maramdaman iyon kaya nilingon ko siya.
Nakakagat labi lang ito habang pinagmamasdan ako. Napaiwas ako ng tingin.
"Ang lalaki talaga," mahina kong sabi. I still don't understand how he got this.
"Alin, yung pasa o yung abs ko?" Napakunot noo ako sa sinabi nito at inirapan siya.
Both! Pero hindi ko sasabihin. Gosh, now that he mentioned it parang naawkward tuloy ako dahil sa hubad niyang katawan.
Napa kagat labi nalang ako at tinignan iyon ng seryoso. Mahina lang ang pag dampi dampi ko dahil for sure, masakit iyon. We were like that for a long time hanggang sa natunaw iyong yelo sa cloth.
"Tama na yan, Ellie." Sabi nito kaya napakunot noo ako. "Gagaling na iyan, mahiya naman iyan kung hindi, ikaw na nga ang gumamot."
Napairap ako sa sinabi niya. "Ang landi mo." Natawa siya sa sinabi ko.
"Gagaling iyan, soon." Nginiwian ko nalang siya.
"Pagaling well," sinabi ko nalang bago umalis doon. I even heard him chuckle.
Nang maibalik na iyong mga hawak ko ay bumalik na ako doon sa kubo. I'm about to move the chair away from him when he pulled my wrist and made me sit there.
Sinamaan ko siya ng tingin. Aalis pa sana ako ng binuhat niya bigla ang paa ko at pinatong iyon sa lap niya. Mas sinamaan ko siya ng tingin pero hindi na ako makagalaw ngayon, baka matamaan ko ang pasa niya!
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...