---"Ellie ko!" Sigaw ni Aziel from outside the room.
Natawa nalang ako bago pumunta sa labas ng kwarto. The kids are here! Iniwan dito nina Agezho at Amara mga anak nila.
May event daw kasi ang company nina Audrey at Archer, eh ayaw nilang isama ang mga bata dahil puro matatanda lang doon.
Kukunin rin naman nila mamaya, before dinner.
"Ellie ko!" Muling tawag ni Aziel kaya bumaba na ako sa sala.
Nakita ko itong nakahiga sa sofa habang pinapatungan ni Mairi Lilian, youngest child of Amara and Archer. She's three years old, Reed is 4 years old.
Samantalang ang dalawang anak namin ni Aziel ay hawak ang ulo nito, nakasabunot sa buhok parang pinipigilan ito makatayo.
The oldest is Danae Eleanor, five years old and the younger one is Aurelia Dawn, two, turning three next week.
Si Reed at Davien ay parehong tumatawa habang hawak ang kamay ni Aziel.
Nang makita sila ay natawa nalang ako, kawawa naman ang asawa ko.
"Hey stop that, kids." Sabi ko sa mga ito ng makalapit.
"Ellie ko," mangiyak ngiyak na sabi ni Aziel at niyapos agad ang bewang ko ng bitawan siya ng mga bata. "Bleh,"
Napailing nalang ako, kaya siya inaasar eh, grabe rin siya mang asar!
"Mommy, Daddy's so maasar! Tinumba niya blocks namin! We're building our blocks and he kicked it!" Sabi ng anak naming si Danae.
Napatingin naman ako kay Aziel at tinaasan ito ng kilay, nginisihan niya lang ako bago mas niyakap ng mahigpit at ipinatong ang ulo sa balikat ko.
"Yes, Mommy! Even Kuya Reed and Kuya Davien helped us bring him down because inaway rin sila ni Daddy!" Sabi naman ni Dawn.
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa kacutetan nito pero pinigilan ko lang ang sarili ko at tinignan ng masama si Aziel, as a joke.
"Hindi ako papagalitan ni Mommy, bleh," sabi nito sa mga anak namin.
Ang tatlo ay nagsiupuan na lang sa sofa habang ang dalawa naming anak ang panay sumbong.
"Mommy, punish Daddy. He's bad!" Nakangusong sabi ni Dawn.
Ang cute talaga ng pisngi nito, ang maldimaldita tignan pero ang cute cute naman. Si Danae ang mukhang soft looking, pero mataray rin tignan pag seryoso ang mukha.
"I'll punish him later, babies. Now you go play again, I'll stop your Daddy." Sabi ko sa dalawa naming anak and even gave them a wink.
Napatango ang dalawa bago hinila ang tatlo pa paalis ng sofa.
"Careful," sabi ni Aziel at napabitaw sakin agad ng muntik nang mahulog si Mairi.
"Yes, careful please." Sabi ni Reed at inalalayan ang kapatid.
Masungit rin iyang batang yan, minsan lang tumawa. Well, pag inaasar nila si Aziel, halos laging nakatawa. Sino ba naman kasi ang bubusangot kay Aziel.
"Tita, I wanna eat." Sabi ni Davien.
"Oh, wait. I'll get food, upo na kayo sa dining area." Sabi ko sa mga ito.
Tinulungan naman sila ni Aziel maupo doon habang ako ay kumuha na ng carbonara.
Nang matapos si Aziel ay tinulungan niya ako, naglagay siya ng mga plato ng mga bata and baso na may juice.
Nang matapos ay nilagyan ko na sila ng pagkain sa mga plato. Hindi naman sila naging makulit and was just waiting for it. Wala ring nagsimula agad.
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...