---"So you're really planning to?"
"Hindi ah. I was just saying. Kasi baka mag aya si Drake." He shrugged his shoulders.
"Sabihin mo, gusto mo lang talagang uminom." Sabi ko kaya natawa siya.
"Kung ayaw mo nga, hindi ko gagawin, Ellie ko." Sabi nito na inirapan ko lang.
"Hindi ko naman ayaw pero saka ka na uminom pag nakabawi ka na ng tulog." Sabi ko dito.
Napatahimik naman siya kaya nilingon ko ito. Nagtataka sa biglaang pananahimik niya. Natawa ito ng makita ang reaksyon ko.
"Ellie, wala ka namang ginagawa pero mas lalo lang akong nahuhulog sayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Inabot niya ang pisngi ko at pinisil iyon. "And please, you're so cute."
"Wag mo nga akong bolahin, Aziel." Sabi ko dito kaya natawa siya.
"Hindi naman kita binobola. Seryoso ako sa mga pinagsasasabi ko Ellie kahit minsan hindi halata." Sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin.
"Weh? Maybe you're just doing that because you're courting me." Sabi ko kaya napatawa na naman siya.
"Totoo yang sinabi mo." Sabi nito kaya tinignan ko siya ng masama. "Shet, Ellie. Ikaw talaga ang happiness ko." Sabi niya pa, tumatawa.
"Damn you, Aziel." Sabi ko dito kaya pinisil niya na naman ang pisngi ko. Ngayon ay di niya na iyon binitawan.
"Kahit noon pa, lagi naman kitang pinupuri ah. Hindi pa ako nanliligaw noon. I'm doing this not to get you fall for me, I'm doing this because I want you to know how much I appreciate you and your existence. And also how much I adore you." Tuloy tuloy na sabi nito habang nakatitig sa mata ko.
Napakagat labi tuloy ako, di ko maiwasang hindi maapektuhan sa sinabi niya. It hits different when people say that they appreciate you. I don't know pero nakakapag init ng puso.
"You're precious, Aziel." Pagbabalik ko ng papuri dito. Natigilan naman siya. "I'm scared. Pano kung masaktan lang kita?"
Dahil sa sinabi ko ay agad napawi ang ngiti sa labi niya. Napatitig ito ng seryoso sakin, kalaunan ay napa buntong hininga.
"I told you, I'm not expecting anything in return. No pressure, Ellie. Yes, I'm taking my chance to get you to like me too but that doesn't mean nag eexpect na akong magugustuhan mo rin ako. And I already accepted that, Ellie ko." Sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin.
"But still-" Sabi ko pero agad niya rin namang pinutol iyon.
"It's too early to talk about this things Ellie. Feeling ko tuloy, binabasted mo na ako." Tumatawang sabi nito pero kitang kita ang dumaang sakit sa mata niya.
Napaiwas naman ako ng tingin. I can't take it. Ayokong saktan siya.
"Hindi naman kita binabasted ah."
"Just open your heart to me Ellie and I'll do my best to make you fall. Kung hindi talaga, hindi mo na iyon kasalanan." Mahinahon nitong sabi. He even caressed my cheeks that he's holding since earlier.
Napatitig tuloy ako sa kanya and while staring at him, I realized how he's really such a good guy. He proved it a lot of times and he's not even making an effort to prove me that. It's all natural kaya siguradong hindi siya nagpapakitang tao lang.
And because of it, mas natatakot akong saktan siya. I know that we'll still be friends after this, kahit hindi ko siya magustuhan pabalik, pero kahit ganon, it's like something within me wants to know him more.
I know deep inside me, parang mas gusto ko siyang makasama pa. Gusto kong mas malaman pa ang ibubuga niya. I want to know hanggang saan niya ako aabutin.
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...