---Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi dahil mukhang galit na naman ito. Ano na naman bang ginawa ko sa kanya? May sama ng loob ata talaga siya sakin eh. Bakit kasi hindi na lang sabihin.
Nang makita ang galit niyang mata ay napairap na lang ako at pumunta ng kwarto.
Bahala siya jan, gutom ako. Wala ako sa mood makipag away!
I took a bath then changed into a pink one shoulder dress just until my knee. I just let my hair down, nakakainis si Aziel, kagat kagat na kasi.
Ang daming foundation ang nagamit ko kanina para lang matakpan iyon, ang pula pa man din tapos may operation ako, hindi pwedeng nakalugay ang buhok.
Nang mawala iyon ay mukha ko naman ang pinagkaabalahan ko. I just put powder then cheek and lip tint. I curled my lashes too.
Nang matapos ay kumuha ako ng black wedge sandal, I checked if bagay ba, oo naman.
Nang matapos ay lumabas na ako, wala na doon si Aziel. I guess he already left.
Nang makarating sa Delight ay wala pa gaanong tao. We waited in a private room, dito dumiretso ang iba. Mukhang maaga lahat dahil ayaw naman naming malate ano at makita nila ang pagdating.
Surprise nga eh.
Gosh, ang sungit ko maging sa isip.
I sat beside my friends, well si Aziel pinakamalapit sa akin pero may space kami sa gitna. Hindi naman siya natingin kaya hindi ko rin siya tinignan. Aba, hindi na ako manunuyo noh.
I hoped for a change but since nothing changed, edi wala. Mag move on nalang.
Kahit mahirap. I sighed.
"Ba't ka naka busangot, Ellie?" Tanong ni Drake kaya nilingon ko ito. Magkatabi sila ni Kalen sa isa pang sofa.
"Gutom na ko." Sagot ko at napa buntong hininga.
"Oh," sabi nito at may inabot na snickers. Napangiwi ako don.
"Ayoko ng matamis." Sabi ko.
"Arte mo naman." Sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.
May nakita ito sa bandang likod ko, mukhang napatulala siya. Lilingunin ko sana pero napaiwas na siya ng tingin at napakunot noo.
"Oh," sabi ni Kalen at nag abot ng isang cracker.
"Bakit ka meron niyan?" Tanong ko at kinuha iyon.
"Hindi ko rin alam." Napakunot noo ako sa sinabi nito.
"Baka expired na to ah." Sabi ko.
"Hindi pa, kakalagay ko lang niyan kanina." Mas lalo akong napakunot noo sa sinabi nito.
Hindi niya alam na meron siya nito pero nilagay niya lang kanina? Baliw na rin ata to si Kalen eh.
Hindi ko nalang siya pinansin pa.
I opened it and ate, damn, gutom na talaga ako. Malkist. Ang tamis pero pwede na rin since cracker naman siya, di gaya kay Drake na chocolate talaga.
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Amara, she's with Archer kaya napanguso ako. Mukhang sila na ang sunod na ikakasal ah.
Samantalang ako maghahanap palang. Gosh.
She went to us, sitting beside me kaya medyo napausog tuloy ako palapit kay Aziel. Damn it, he's so near.
"Wow, late ka na girl." Sabi ni Aziel.
"I'm not." Sabi ni Amara kaya natawa naman si Aziel.
"Edi wow. Sana all nalang may jowa." Sabi niya pa na tinawanan ni Amara.
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...