---That night, we just stayed in his room. Sabay kami pumuntang hospital kinabukasan.
That was our routine for the next few days. Mostly texts lang tapos minsan nagka kasama rin kami, though every after three weeks iyon.
Dahil same lang ang schedule namin for a month. And then, the only time we have the same free time or rest time is every third week of the month.
24 hours naman iyon kaya ayos lang.
Pero if we're on the same departments sana, makikita namin ang isa't isa lagi.
Ilang buwan na rin simula ng mag start kaming mag trabaho. Three months na ata. Kakakita lang namin last two weeks ago but I miss him already.
I was texting him while I'm at the elevator pero hindi siya nagrereply. Maybe he's busy and having rounds.
I was expecting him to be busy at work kaya napakunot ang noo ko ng makita itong pumasok sa elevator. Kasama yung Lina, and she's holding his arms.
What. The. Hell.
Si Aziel naman ay nakahawak sa ulo.
"Are you sure you're okay?" Tanong ni Lina kaya di ko maiwasang macurious.
Lumapit ako sa kanila at hinawakan ito sa chin para lingunin ako.
"Are you sick?" Tanong ko dito.
Nanlaki ang mata niya ng makita ako at agad ngumiti. Kaming tatlo lang ang nandito sa elevator.
Bigla niyang kinuha ang kamay kay Lina at iniyakap iyon sa akin. Napaatras si Lina dahil doon.
"Ellie!" Sabi nito pero rinig ang panghihina doon.
Maging ako ay napaatras dahil sa biglaang bigat ni Aziel.
"May sakit ka?" Nag aalala kong sabi dito lalo na nung maramdaman ang init ng katawan niya.
"Wala, I'm fine." Sabi nito kaya napakunot noo ako. "I'm just tired."
"Magpa confine ka, Aziel." Mahina kong sabi dito pero napailing siya.
"Ika-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang mag ring ang phone ko.
Nagdadalawang isip akong sagutin iyon dahil alam kong it's gonna be an emergency. Iyon lang naman ang rason kung bakit natunog phones namin.
"Sagutin mo na." Sabi nito at humiwalay pa sakin.
He leaned on the wall beside me, si Lina ay nakaiwas lang ng tingin samin.
"Ayaw ko," sabi ko.
"Dali na, Ellie. Kailangan ka doon." Sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako at sinagot iyon.
And as we're both expecting, it was really an emergency.
"Call me please," Sabi ko dito bago pinindot ang floor kung saan may emergency.
"I will."
"Magpa confine ka." Sabi ko dito bago lumabas ng elevator. Napatango ito.
Napakagat labi ako habang lumalabas doon, masakit ang puso na iwan siya sa ganong sitwasyon. I ran to the room.
It took us a long time to keep the patient's heartbeat back to normal. Nang magawa iyon ay napa buntong hininga ako, nawala na ang kaba.
Sa tagal ko na dito, medyo nasasanay na ako sa ganong pangyayari pero hindi pa rin ako sanay pag may mga namamatay. Ang hirap.
Patapos na ang duty ko kaya tinawagan ko si Aziel. It took him so long to answer my call, well, it wasn't really him, it was Lina.
Napatiim bagang ako.
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...