Chapter 8

4.7K 102 51
                                    


---

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. I don't know if I was shocked because of his words or because of his sudden movement of facing me.

"A-Ano bang sinasabi mo, Aziel." I stammered.

Hindi ko maiwasan ang paglakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan dahil sa sinabi niya! Napaiwas na rin ako ng tingin dahil biglang hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya.

Ramdam ko pa rin ang titig nito. Nang magtagal ay natawa ito at ginulo ang buhok ko kaya napangiwi ako at nilingon ito.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Sabi ko dito at tinignan siya ng masama kaya mas natawa ito at kinabig pa ang ulo ko papalapit sa kanya.

"Tingin mo?" Bulong nito malapit sa tenga ko kaya napairap ako at hinawakan ang kamay niya para maalis ito sa ulo ko dahil mabigat.

"Oo." Sagot ko at inirapan ulit ito. Tuluyan ko nang nababa ang kamay niya.

"Ellie." Mahinang tawag nito, hinawakan pa ang baba ko para masalubong niya ang tingin ko. "Hindi ako ang nagsabi nyan ah."

Mahina ang boses na sinabi niya ito habang titig na titig sa mata ko. Di ko maiwasang mapasinghap dahil dito.

Ano bang ginagawa at pinagsasasabi niya? Lasing na ba siya? Pero hindi naman siya nalalasing eh! Siya ang pinaka mataas ang alcohol tolerance samin kaya impossibleng tinamaan na siya.

"Baliw ka na, Aziel." Sabi ko at iniwas ang tingin kaya natawa ito ng mahina.

"Hmm, malapit na ata, El, kaya kabahan ka na." Sagot nito bago ginulo ulit ang buhok ko at tumayo.

Gaya ng pag gulo niya sa buhok ko ay nagulo rin ang isip ko. Anong malapit na? Don't tell me he's also sick?!

"You're sick?!" Gulat kong tanong bago pa ito makaalis sa harap ko. Nanlaki naman ang mata nito ng lingunin ako.

"Anong pinagsasabi mo, Ellie ko?" Sabi nito at tumawa pa ng malakas kaya napakagat labi ako. Di maiwasang maguluhan sa kung ano mang naiisip ko.

"Sabi mo kasi malapit ka na mabaliw!" Reklamo ko dito kaya napakagat labi siya habang nakatitig sakin. His eyes are full of humor on it while staring at me.

"Kaya nga." Mahina nitong sabi at naupo ulit sa tabi ko.

"But you're not sick, right?" Naguguluhan ko nang sabi. Paulit ulit na kami!

"Hindi." Maikli nitong sabi bago kinagat ulit ang labi para magpigil ng tawa. Napalingon tuloy ako doon, napansin kong ang pula non. Halatang hindi nasigarilyo. Nang magtagal ay nilingon ko ulit siya sa mata at kinunutan ng noo.

"Ang gulo mo." Sabi ko kaya natawa na naman siya.

"Hindi naman kasi sakit ang magiging rason ng kabaliwan ko, Ellie." Sabi nito kaya napakunot noo ako. "Tao."

Napabusangot ang mukha ko dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit siya mababaliw dahil sa tao? Tama ba iyon?

"Shit, Ellie, wait lang, ihing ihi na ko eh." Sabi nito bago tumayo at tumakbo na paakyat. Di ko tuloy maiwasang matawa.

Di rin naman nagtagal at bumaba na si Drake kaya nag usap naman kami. As usual, he's also mapang asar. Pasalamat siya hindi ko binabalik ang pang aasar sa kanya, pikunin pa naman.

Nag inuman lang kaming tatlo nung gabing iyon. Wala naman kaming problema sa susunod na araw dahil walang pasok. We just decided to visit Agezho.

Halos araw araw kaming napunta sa hospital to visit Agezho dahil wala siyang kasama doon. His parents barely visits him because they're busy daw according to Agezho and his sister is the one managing their business kaya bihira ring makabisita.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon