Epilogue

9.5K 178 106
                                    


---

“Hoy aba, bilisan mo takbo mo Caddel, mainit ulo satin nung senior.” Sabi sakin ni Drake.

“Sinasadya ko nga eh,” Nakangisi kong sabi.

Nakakabadtrip kasi, porque mas matanda samin at mas nauna dito, akala mo naman kung sino. Ulol niya, sino tinakot niya? Resbakan namin siya ni Drake eh, talo naman agad yan.

“Gago ka talaga,” Sabi nito bago tumakbo na papunta sa kabilang side nitong field.

Mag dadalawang buwan palang kami dito pero parang ang tagal na dahil sa senior na yan. Kami ang target ni Drake amputa, tapos pag warm up na jogging, pinapasobrahan samin! Pinag iinitan kami kasi bago palang kami, mas magaling na kami sa kanya.

Nakakabadtrip talaga.

Pake ko kung parusahan niya ako, kaya ko naman gawin ang parusa niya ng walang kahirap hirap.

Tsk, hindi man lang kami maka break ng maayos, ni wala pa nga akong dorm na nahahanap, naka hotel pa tuloy ako. Magastos pero di ko naman iyon pera so ayos lang kung mahal.

“Break muna ako, ayoko na, nababadtrip na talaga ko.” Sabi ko.

Kasi naman, hindi pinapasa samin ang bola kahit samin ang open. Ang pride amputa, gustong gusto na may mapatunayan hindi naman nakakagoal. Mukhang napansin iyon ni coach kaya nag break kami tapos siya ay kinausap ni coach.

Napangisi nalang ako ng makitang parang sinesermunan ito. Ang gg, practice lang naman ito.

“Bili tayo tubig, uhaw na ko. Walang patubig si coach ngayon.” Sabi ni Drake na tinanguan ko lang.

Lagi lang talaga kaming tagalog sa pag uusap dahil ayaw namin may makaintinding iba. Kung Filipino ka edi maswerte ka pero kung hindi, bahala sila.

Papasok kami sa pinto ng canteen ng may bigla akong makabungguan. Nanlaki ang mata ko at inabot iyong dala niyang water bottle na nahulog. I gave it to her but she just took it and didn’t give me a glance.

“Thanks,” Sabi nito at umalis na.

Napataas ang dalawa kong kilay at sinundan siya ng tingin, ang sungit naman. Or maybe dahil may binabasa siya sa papel. Pero ang cute niya ha, yung cheeks, ang cute.

“Hoy, tinamaan ka ata.” Sabi ni Drake at siniko pa ako kaya nginiwian ko siya ng tingin.

“Ulol, nasusungitan lang ako.” Sabi ko dito bago nagpatuloy sa paglakad.

“Hindi ka lang pinansin, masungit na agad.” Sabi nito na di ko na lang pinansin dahil napasulyap pa ulit ako doon sa babae.

Mabuti na lang talaga at glass ang walls dito, kita ko siya. Isang tingin naman jan, patingin ulit ng cheeks mo.

But she didn’t glance at me.

Napakagat labi nalang ako bago iniwas na ang tingin. Nang makabili kami ng tubig ay bumalik na kami sa field. Hindi ko maiwasang magpa linga linga, baka makita ko ulit iyong babae!

I wanna know her name. Kahit pangalan lang.

Kaya nang makita ko ito sa field ay hindi na ko nag aksaya ng panahon.

"I'm sorry, it was unintentional." Sabi ni Drake nang makalapit. Inunahan pa ako magsalita!

"I'm sorry too. I wasn't able to catch it." Sabi ko dito.

I looked at both of them pero tumatagal talaga ang titig ko doon sa babaeng naka bungguan ko. Hindi ko alam bakit nakilala ko agad siya at parang hindi ko nakalimutan itsura niya. Siguro dahil sa cheeks.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon