Chapter 11

4.3K 96 37
                                    


---

Hindi ko maiwasang mainis kay Aziel dahil ang tagal niya. Napairap nalang ako bago bumaling kay Amara at hinila siya paalis.

Sumunod naman ang dalawa pero tinawag muna ni Drake si Aziel. Mas lalo lang akong nainis. Bakit niya pa tinawag? Mukhang nag eenjoy yung tao, tatawagin niya.

Gosh, naiinis talaga ako. Nagugutom na rin!

Nang makarating doon ay di na ko umupo at umorder nalang agad. Sumunod naman sakin si Amara, kami na ang nag order para sa kanila.

Nang matapos ay pumunta na kami sa table na nahanap nila. Andon na rin si Aziel kaya palihin akong napairap. Walang nakaupo sa katabi nito but I didn't sit beside him.

Doon ako sa malayo sa kanya umupo, nauna pa nga ako kay Amara eh. Ramdam ko rin ang pag sunod ni Aziel sakin ng tingin, mukhang nagtataka bakit sa gilid ako umupo at hindi sa space sa tabi niya.

Hindi ko naman siya pinansin at nakapangalumbaba nalang habang nakatingin sa labas. Si Amara ang umupo sa gitna namin, dahil doon ay di na ako gaanong kita ni Aziel.

Mabuti naman. Naiinis talaga ako!

Damn it, I think my red days are coming. Inisin na naman ako. Napabuntong hininga tuloy ako para ikalma ang sarili at nagbukas ng phone.

I decided to just message my brother since I remember that we haven't talked for a long time. He's online nga sa ig eh kaya nagtaka ako. Himala.

@Iamellie.K: Kuya.

Agad ko naman itong nakita na nagtatype kaya hinintay ko ang reply niya.

@ivorkeller_: Hey.

@ivorkeller_: How are you?

@ivorkeller_: You need something?

Tuloy tuloy nitong sabi. Napangiti naman ako.

@Iamellie.K: Nothing. I just saw you online.

@ivorkeller_: Sure...?

Medyo natawa naman ako sa sinabi nito. He really knows me. I don't talk to him first, he's always the one who reach out to me kahit alam ko minsan labag sa loob niya dahil nawawala cold image niya.

@Iamellie.K: Don't worry, it's really nothing this time.

@ivorkeller_: Lol. Okay, I believe you. What are you doing?

I was typing my reply when our food got delivered. Hindi ko tuloy muna na replyan si Kuya dahil nilalapag ang pagkain namin sa mesa. I also helped too.

Nang matapos ay nag tipa ulit ako.

@Iamellie.K: I'm gonna eat.

@ivorkeller_: Hmm, it's already late to eat lunch there.

Wow, cinompute niya yung oras dito at doon? Kasi nalaman niya nga ang oras dito eh. He's putting his math skills into good use.

@Iamellie.K: It's a snack. We have a break, we're practicing for graduation.

@ivorkeller_: Oh right! Dang, you're graduating? I'm really old now.

Di ko maiwasang matawa sa sinabi nito. Yeah right, he's an oldie now. Pero wala pa rin siyang pinapakilalang girlfriend samin.

@Iamellie.K: Yeah. Anyway, I'll talk to you later. I'll start eating now. Bye!

@ivorkeller_: Eat well.

Binaba ko na ang phone at nagsimula na ngang kumain. Naabutan ko silang nag aasaran lalo na si Amara at Drake. Napasulyap ako kay Aziel, he's holding his phone.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon