Chapter 4 - Distracted

601 30 4
                                    

Umuwi na rin kami pagkatapos namin kumain. Hapon na rin kasi at baka hinahanap na rin ako ni Mama. Nagpaalam naman ako nang umalis ako kaninang umaga pero wala naman akong sinabi kung anong oras ako uuwi. Syempre baka mag-alala ang pinakamamahal kong nanay kahit lagi siyang may sama ng loob sakin minsan. Char.

Hindi na ako ang sumakay kanina sa front seat at si Giselle na ang pinaupo ko don. Hindi naman na nag-inarte itong si Ning nang tabihan ko siya kanina sa likod ng kotse.

Bigla kasi akong nahiya teh! Or na-conscious rather. Hindi kasi ako sanay. Karina bat naman kasi may paganon?

Natameme pa ako dun tapos yung way pa ng pagsasalita ko nang mag-thank you ako sa kanya kanina after niyang punasan yung taas ng labi ko na may bakas lang naman pala ng frappé na ininom ko. Gurl ayoko na please!

Akala ko nga kanina tatawanan niya pa ako nung medyo pumiyok pa ako pero nginitian niya lang ako. So ano naman magiging reaction ko dun ha?

Wala naman siyang say kanina nang lumipat ako sa likod ng kotse at nagpatuloy lang ulit sila sa pagchichismisan lalo na itong si Ning na halos ikwento pa bawat detalye ng elementary days namin kay Ryujin kasi nagtatanong si bruha kung pano daw namin nakilala si Karina. Edi si Ning na ang may matalas na memory. Hindi ko kasi maalala kahit anong kwento niya kanina. Sabi ko nga baka gumagawa na siya ng sarili niyang kwento. Hinampas ba naman ako ni gaga sa braso. Ang sakit lang.

Nakatingin rin kasi ako sa harap kanina tapos saktong napatingin rin siya sa rear view mirror kaya nagtama mga paningin namin. Nagngitian kami syempre. Duh. Alangan namang mag-iwas ako ng tingin edi mas ginawa ko pang awkward.

Sabay sabay kaming bumaba sa tapat ng bahay nila Giselle kanina kasama na rin si Ryujin. Nagtaka pa ako kung bakit hindi siya bumaba nang madaanan namin yung bahay nila sa kabilang barangay kanina tas ang sabi niya iniwan daw niya yung bike niya kila Ning.

Tapos na rin maglipat ng gamit sila Giselle pagkarating namin at tinawag na agad siya ng family niya. Syempre sumama na rin si Karina sa kanya paloob pero nagpaalam muna kami sa isa't isa bago umuwi sa kanya kanyang bahay.

Nakatingin lang naman sakin si mama kanina pagkauwi ko. Feel ko di naman siya galit. Syempre binilhan ko rin kasi siya ng takeout na pagkain mula dun sa café kanina. Oh diba ang thoughtful ko lang na anak. Cute na nga, ang ganda pa ng personality ko kaya san ka pa. Mahirap makahanap ng katulad ko I'm telling you.


Giselle: hi guys!!

                 oh, nagyaya ka pala magcod kanina ryu?

                 wait lemme do smthg

Giselle added Katarina Yu

Giselle: hi rinaa

                  welcome to the club

Ningning: club ng magaganda ba yan gi?

                        thanks appreciated ko yung thoughtfulness mo :*

Winter: lakas naman ng hangin dito

Katarina: hello :)

                      are you sure it's okay to add me to your old gc?

Ningning: oo naman ano ka ba

                      wala naman kaming tinatago dito

                      and besides, kaibigan ka na namin

Ryujin: uy thank you nga pala sa panlilibre ha

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon