Pagkagising ko palang, alam ko na agad ang mangyayari ngayong araw.
Ngayon na namin malalaman yung results ng entrance exams.
Kinakabahan ba ako?
Siguro pero hindi naman masyado.
Should I set my expectations high?
Wag na lang kasi baka ma-disappoint pa ako sa huli. Abangan ko na lang yung results mamaya.
Maaga pa naman noong tiningnan ko yung oras. Ang sabi kasi ay mamaya pang 11 A.M makikita yung mga results sa website ng school. Medyo matagal-tagal pa yung paghihintay na gagawin namin before we finally know the results.
Siguro ito na talaga yung time para masimulan ko na yung stranger things. Ang dami lang kasing nangyari noong nakaraang mga araw kaya hindi ko pa rin siya nasisimulan hanggang ngayon. Muntik ko na nga siyang makalimutan kung hindi lang siya pinaalala sa akin ni ate Lisa kasi apparently, nanonood rin daw ng ganon si ate Jennie at hindi na daw siya tinigilan kwentuhan ng isa nang mabanggit niya sa kanya yung show. Alam na nga daw ni ate yung plot kasi nakwento na sa kanya ng jowa niya tapos kung gusto ko daw ma-spoil tanungin ko lang daw si ate.
Ayoko nga ma-spoil. Bahala siya dyan.
(Tue, 9:16 A.M.) Winter: baby alam mo yung stranger things??
Mabilis pa sa alas kuwatrong nagreply agad ang jowa ko.
(Tue, 9:16 A.M.) Bebe: not really but i heard it was good
(Tue, 9:17 A.M.) Winter: balak ko siya panoorinnn
(Tue, 9:17 A.M.) Bebe: okayy watch well babe <3
(Tue, 9:18 A.M.) Winter: di mo ko sasamahan🥺
(Tue, 9:19 A.M.) Bebe: hahaha gusto mo ba?
(Tue, 9:19 A.M.) Winter: oo kung gusto mo!! hehe
(Tue, 9:19 A.M.) Bebe: okay i already joined the server na
(Tue, 9:20 A.M.) Winter: yeyy
(Tue, 9:20 A.M.) Bebe: cutie >-<
Pagka-open ko ng discord, nandoon na nga si Karina. I immediately opened my camera para makausap ko siya.
"Sure ka okay lang na samahan mo ko? Babe binibiro lang naman kita kanina."
"Ayaw mo ba?"
Ngumuso ako, "Gusto pero baka may iba ka pang gagawin?"
"I can always make time for you, babe," she leaned in making her face more visible sa camera.
Ano ba yan kinikilig ako.
"Hindi naman kayo magkasama ngayon pero bakit nilalanggam pa rin ako?"
May nagsalita sa linya ng girlfriend ko so umurong siya sa screen tapos nakita ko doon si Giselle na prenteng nakaupo sa may gilid ng kama.
"Yes, Winter I'm here," kumaway pa si babaita sa camera.
"Bat nandyan ka?"
"Obviously, I'm spending time with Rina kaya tapos bigla kang nagyayaya manood."
Luh.
Karina chuckled, "Don't mind her babe. Giselle's just anxious about the results later."
"Manonood pa ba tayo?" tanong ko. Mukha kasing wala pang balak umalis si Giselle any time now.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fanfiction[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...