May nararamdaman akong kakaiba. Hindi naman ako si Ed Caluag.
Or baka ako lang 'to at wala rin naman sila Ningning na nafi-feel na kakaiba.
Tiningnan ko si Somi na nakangiting kumakaway tapos nagsimula na siyang maglakad palapit sa amin.
"Oh, kasama mo rin pala si Ningning. Hello sa inyo," enthusiastic niyang bati dito sa dalawa kong kasama.
"Hello," bati ni Ning and Karina smiled at her as well.
Mukhang nakikiramdam rin si Ning kasi may ngiting malisyoso siya habang naglilipat ang tingin niya sa aming tatlo.
"Uy Somi anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Ning. May pag-emphasize pa talaga si gaga sa pangalan nitong si Somi.
Nilingon ko si Karina. She had that same expression on her face, parang wala rin namang nagbago. She suddenly moved a step forward.
"Hi, I'm Karina nga pala," pakilala ng jowa ko sa sarili niya. Nagtaka pa si Somi nang inilahad ni Karina yung kamay niya sa kanya. She took it nonetheless and also smiled at her. "Hello, Somi here."
"I'm sorry kung hindi kita matandaan pero batchmate ka rin ba namin..? Sorry if it came off rude, I'm just genuine curious," napanguso unconsciously si Somi. Ayun yung nagiging habit niya minsan kapag feeling niya may nasabi siyang mali na makakaoffend sa receiving end.
Karina waved her hands dismissively, "No, I'm not from your school," she smiled at her reassuringly. "And it's okay, natural lang naman na magtanong ka since I think it's your first time meeting me."
"Talaga? Medyo na-relieve ako doon. Whew," Kunyare pa niyang pinunasan yung gilid ng noo niya.
Natawa si Karina.
"You're close with Winter?"
Lumapit si Somi sa akin tapos inakbayan niya ako. "Syempre naman! Buraot 'tong si Win sa mga pagkain ko tapos lagi pa akong kinokopyahan sa mga assignments dati."
"Hoy hindi 'no!" agad kong tanggi. OA naman nitong si Somi umalala ng pangyayari. Hindi naman ako kumokopya sa kanya eh.
"Grabe ka naman dito kay bes, ang sipag kaya niyan mag-aral nung grade 10," sabi naman ni Ning.
Nagfake siyang nasaktan sa narinig niya, "Grabe ngayon na nga lang tayo nagkita tapos pinagtutulungan niyo pa ako."
Natawa si Ning, "Ang last na alala kong kumokopya siya is noong elementary pa kami teh."
Bumaba yung tingin ni Karina sa kamay ni Somi na nakahawak pa rin sa balikat ko. Maingat ko namang tinanggal yung kamay ni Somi tapos mas lumapit ako kay Karina. Somi didn't mind naman nang tinanggal ko yung kamay niya sa akin.
"Wow naman Win, nangongopya ka pala dati," amused niyang sabi.
I jokingly rolled my eyes at her.
"Oo tapos itong si Karina yung kinokopyahan niya," kwento pa ni Ning tapos gulat na napatingin rin si Somi kay Karina.
"Totoo??" gulat niyang tanong. "Wow ang small world naman."
"Parang yung pagkikita natin ngayon, ang small world lang," dagdag niya pa tapos binalingan niya ako. "Hoy Winter hindi ka na nagrereply sa akin ah. Grabe last na usap ata natin nung birthday mo pa," reklamo niya.
"Wala naman tayong pag-uusapan," sagot ko.
"Grabe hindi mo man lang ako kukumustahin?" pagdadrama niya. Napailing na lang ako. Medyo may kakulitan talaga itong si Somi.
"Oh edi kumusta ka?" sabi ko na lang.
"Grabe ngayon mo lang ako tatanungin kung kumusta ako." Kanina sabi niya hindi ko na siya kinukumusta tapos ngayong tinatanong ko na siya, magrereklamo pa rin.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fanfiction[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...