Ayoko nang matapos ang araw na 'to.
Kung totoo lang si Doraemon in real life at kung may gamit siyang nakakapagpatigil ng flow ng oras, gagamitin ko 'yon agad in this instant.
Ayoko lang kasi lumipas ang araw na 'to.
Once kasi dumating na ang bukas, mag-isa na lang ulit ni Giselle na anak sa bahay nila, palagi nang tatahol si Bruno tuwing makikita niya kami, wala nang pupunta dito sa bahay para tumulong kay mama magluto, and more importantly, wala na akong sasadyain tuwing pumupunta ako kila Giselle.
Char.
Pero ayoko talaga lumipas ang araw na 'to.
Alam ko naman na dadating rin yung time na 'to kung saan uuwi rin si Karina. She's been telling me dati pa na malapit na siyang umuwi kasi in the first place, nagbakasyon lang naman talaga siya dito sa barangay namin.
It was just a temporary stay.
Naging unexpected lang talaga yung mga ganap when we had that thing going on. Nagkaroon siya bigla ng cute na girlfriend.
Syempre ako yun.
Sino pa ba?
"Bukas na pala yung uwi ni Karina 'no?" sabi ni ate nang dumaan ako sa harap niya.
Ayoko ngang marinig yung word na yon kasi baka magbreakdown ako bigla pero parang gusto atang ipaalala ng mga nakakasalamuha ko sa bahay na bukas na uuwi ang jowa ko.
"Anong oras ang alis ni Karina bukas Winter?" tanong naman ni mama.
Ma naman eh!
Ayoko nga sabing isipin.
On the way ako ngayon kay Karina.
Ngayon na daw siya magpapack ng mga gamit kaya papunta ako doon ngayon para tulungan siya.
"Ma aalis po muna ako. Pupunta ako kila Giselle," paalam ko habang palabas ng pinto.
"Anong oras muna siya aalis?"
"Hapon po!" Wala na akong nagawa kundi sagutin na lang si mama. Panigurado hindi niya ako titigilan kapag hindi niya nalaman yung sagot eh.
"Hello po Tita," bati ko sa mama ni Giselle nang pumasok ako sa bahay nila. Nasasanay na rin silang hindi na ako nagtatawag doon sa gate at basta na lang pumapasok sa bahay nila nang walang paalam eh. Pano ba naman, lagi akong nandito noong mga nakaraang araw.
Alam na rin ng mama ni Giselle kung anong meron sa amin ni Karina. She hasn't confronted us about it but she just knows.
May laman ang ngiti niya sa akin nang binati ko siya.
"Rina's in her room with Gigi. She's helping her pack."
"Thank you po Tita."
Dumiretso na ako papunta doon sa kwarto.
Pagkabukas ko ng pintuan, kalat-kalat yung mga gamit na nakalagay sa kama. Nakabukas yung luggage niya sa gilid. Nang inilibot ko pa yung paningin ko, nakita ko rin si Giselle na nakaupo tapos tumutulong sa pagtutupi ng damit. Siya yung unang nakakita sa akin.
"Winter!"
Lumingon ang girlfriend ko when she heard Gi and smiled widely nang makita niya ako.
"Babe!"
Nawala yung ngiti ni Giselle. "Oh, so I'm invisible here."
Lumapit ako papunta kay Karina at pinapanood kung anong ginagawa niya. Inaayos niya yung pagkakalagay ng mga chargers at earphones niya sa isang pouch.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fanfiction[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...