Chapter 38 - Ship Name

340 11 2
                                    


Don't stop the music, why are you stopping it?

Dancing again, life is a party so

No matter what I do, tick-tock, tick-tock

Life is still going on, it just flows


It is almost enrollment time.

Parang kahapon lang nung grumaduate kami tapos ngayon, mag-eenroll na naman kami sa panibagong yugto ng buhay namin.

Nagsisimula ko nang makita yung mga my day ng mga dati naming kaklase tungkol sa mga school na papasukan nila. Yung iba ay sa Maynila mag-aaral at yung iba naman ay dumayo pa sa ibang probinsya.

Grabe lang yung pagkakawatak-watak namin sa mga papasukan naming schools.

If a random person looks at it, parang di niya agad maiisip na naging magkakaklase kami for about 4 to 6 years in high school.

Time na siguro para humayo kami at magpakalayo-layo. Time na para maghanda sa real world.

We are about to spread our wings and fly!

Parang ang mema naman ata.

Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko umagang-umaga?

Bukas na yung enrollment namin eh.

Ang bilis lang talaga ng araw kapag hindi mo siya namamalayang lumilipas.

Lahat kami, we decided na sa TEU na mag-enroll for this school year except kay Giselle. Sabi niya, she'll wait na lang muna sa results doon sa alumni namin. We know naman na makakapasa siya doon kahit may interview process pa yun. Naghihintay na lang si Giselle this week na contact-in siya ng school for the interview. Wala daw definite na time pero any time this week daw tatawagan yung mga applicants. Goodluck na lang talaga kay Gi.

Si Ryujin naman, itinuloy na niyang ipush yung course na Civil Engineering at hindi na niya itutuloy yung educ hindi katulad ni Gi na igagrab na talaga yung opportunity. Bahala na lang daw sabi ni bruha at medyo nakarelate ako doon.

Bahala na.

Sana lang talaga mai-survive namin 'to.

Kasama ni Ryujin na mag-eenroll si Karina for that course. My girlfriend decided to enroll rin sa school kung saan kami mag-aaral.

Parang ang saya lang non.

Studying in the same school na kasama yung mga taong malapit sayo.

Parang nakakagaan sa pakiramdam knowing na nandyan rin sila.

Napag-uusapan na nga namin nila Ning kung paano magiging set-up namin if ever. Kung magdo-dorm ba kami o ano. Halos aabutin rin kasi kami ng isang oras kung babyahe kami araw-araw papuntang school kapag may pasok na. Iba naman kasi ang schedule kapag college na. Minsan may mga inaabot pa ng 7 to 9PM classes kaya medyo nakakatakot naman kung gabi ka nang uuwi at wala ka pang sariling sasakyan.

Nakakatamad rin kasi na gumising ng maaga minsan. Mahirap rin kasi na onti lang yung makukuha naming tulog araw-araw kaya mas maganda if meron kaming malapit na matitirahan near the school.

Ang sabi ni jowa malapit lang daw yung bahay nila near the university.

Yung nilipatang bahay nila Gi dati ay medyo may kalayuan pa sa TEU but it makes sense na rin na naging magkaklase sila ni Karina nung senior high. Nakwento pa sa'kin ni baby na ang aga daw niya gumising dati kapag pumapasok siya nung senior high so she's taking this opportunity na magcollege sa university na malapit lang sa kanila so she won't have to wake up early na daw.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon