"San ka pupunta?" Tanong sakin ni ate Lisa nang mapansin niyang dali-dali ako sa paglabas sa bahay. Busy pa siya sa kakatitig sa phone niya kaya di niya nakita yung biglang pagbabago ng itsura ng mukha ko. Bigla akong napasimangot.
"Bakit nung tinanong ko ba kung san ka pupunta kahapon, sinabi mo ba?"
Napatigil siya sa pagtatype ng kung ano sa cellphone niya. Panigurado kausap na naman niyan yung jowa niya. Lihim akong napangiti. Hindi alam ni ate Lisa na kilala ko kung sino jowa niya. Masikreto rin kasi yan eh pero nasilip kong nakabukas yung phone niya nung isang araw tas yung wallpaper, may magandang babae. In fairness, ganda ng taste niya. Approved sakin.
"Aba, hoy Winter hindi kita pinalaking ganyan!" Nanlalaki ang mata niyang sabi.
Tinalikuran ko na siya bago pa niya ako mahabol.
"Nye nye si mama kaya nagpalaki sakin!"
"Dadaan ka sa tindahan ni aling Marga diba bilhan mo nga ako ng royal!"
"Ayoko wala akong pera!"
Naglalakad na ako ngayon sa kalagitnaan ng kalsada. Wala rin naman kasing masyadong dumadaan na sasakyan dito kaya marami rin akong nakikitang mga naglalarong bata.
Haaay. Ka-miss talaga maging bata. Yung tipong kung sino lang yung magiging mother sa chinese garter ang pinoproblema. Kasi ngayon parang di ko na keri. Char.
Sa totoo lang, nagwoworry talaga ako. Incoming college freshmen na ako at yung mga desisyon ko sa buhay, walang definite na plan. Pero hindi naman ibig sabihin non na wala na akong plano.
Grabe bat bumigat bigla yung pakiramdam ko? Okay tama na muna ang pagwo-worry sa future kasi marami pa tayong time para dyan. Ang kailangan ko munang isipin ay ang mga mangyayari ngayong araw.
Walang kuryente ang buong bayan namin ngayon dahil sa scheduled power interruption. Kagigil. May bago kasi akong nadiscover na series kagabi tapos hindi ko naman mapanood kasi walang wifi. Papunta ako ngayon sa tindahan ni aling Marga para magpaload at para mapanood ko na ang oh so ever beloved kong series. Yes, andyan na yung hint. Ang ganda ng Our Beloved Summer!
Noong una talaga sabi ko sisilip lang ako sa episode 1 kasi nacu-curious ako sa mga shared posts ng mga FB friends ko tapos ngayon gusto ko nang panoorin buong season.
"Tao po!"
Napatingin ako sa gilid ko ng may bigla akong narinig na ungol. Ay mama ko! Bakit naman ganyan makatingin sakin yung aso?!
Jusko aling Marga bakit wala ka pa rin dito? Feel ko kapag sumigaw pa ako, bigla na lang akong sakmalin neto. Pero bago pa mangyari ang aking iniisip ay dumating na si Aling Marga.
"Ay naku Winter nandito ka pala hindi ka nagsasabi."
Luh kanina pa kaya ako nagtatawag. Ikaw po itong hindi ako naririnig. Bigla namang tumahol yung aso nang marinig niya yung boses ni Aling Marga.
"Bruno wag kang maingay si Winter lang yan!" Saway niya sa aso. Oo Bruno ako lang 'to.
"Bat ka pala nandito?" Obvious po ba? Malamang bibili.
"Magpapaload lang po sana ako."
"Ganun ba? Sige sandali lang. NINGNING!"
Hindi ako prepared dun. Hindi niya man lang ako sinabihan na sisigaw siya ng malakas sa harap ko. Napangiwi ako. Feel ko nasira yung eardrums ko.
"YES MOMSHIE?" Sigaw naman pabalik ni gaga. Mana talaga siya sa nanay niya.
"Andito si Winter load-an mo daw at may gagawin pa ako sa kusina," Umalis na si Aling Marga sa tindahan at saktong pag-entrada ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fiksi Penggemar[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...