Chapter 14 - Ikaw

460 15 4
                                    

2 days na lang at d-day na ng entrance exams sa TEU.

Kinakabahan ba ako? Hindi naman.

Sa totoo lang excited pa nga ako kasi mapupuntahan ko ulit yung campus at siguro makakilala at makahanap na rin ng mga possible new classmates if ever doon nga ako mag-aaral. Nakakaexcite lang kasi ilang years ko nang pinagtitiisan mukha ng mga kaklase ko sa high school at want ko na rin makakita ng mga bagong mukha.

New school, new friends. Parang ganon.

Yung iba kasi naming kaklase nila Ning noong senior high parang ang hirap ma-reach. Hindi naman yon dahil sa mahirap kami mayaman sila kind of vibe. More like mas nagfofocus sila sa existing group of friends nila na hindi na nila kami binibigyan ng chance na makausap sila. Parang ang hirap maka-enter sa world nila. Idagdag mo pa na yung personalities namin hindi nagma-match kaya kaming tatlo lang talaga nila Ryujin at Ning yung nagpapansinan noong SHS. Pero kung by strand naman, si Ning lang ang mas nakakausap ko talaga. Hindi naman kasi ako masyadong nakikipag-usap sa iba.

Naniniwala kasi ako na dapat kausapin muna nila ako bago ko sila kausapin. Ang hirap kaya mag-approach ng tao.

Idagdag mo pa na hindi ako madaldal na tao. Siguro kapag close na kita saka pa lang kita iingayan.

Willing naman kasi akong makipagfriends. Kaya nga minsan tuwing may iba akong kaklase na kakausap sa akin dati, kinakausap ko naman pero tipid na words lang ang gamit ko. Isang tanong, isang sagot lang ang peg ko kaya siguro na-boring-an sila sakin at nag-give up na lang.

Time and patience lang naman ang need ko para makapag-open up sa kanila pero ayun na nga hindi na nila ako nahintay.

Okay lang naman sakin 'yon. Wala naman akong regret.

Ang mahalaga may mga kaibigan akong nag-stay talaga sa 'kin. Hindi ko na nga maalala kung pano ko ba naka-close 'tong si Ningning. Parang kabute na lang siyang biglang lumitaw sa tabi ko tapos hindi na siya humiwalay sa 'kin. Pati na rin si Giselle at Ryujin. Ang saya lang na tumagal kami ng ganito.

Sana hindi ito magbago lalo na ngayong nadagdagan na kami ng isa pa.

Si Karina.

Si Karina na friend ni Giselle na naging friend na rin namin.

At ang kausap ko simula pa kahapon.

Anong nangyayari? Ewan ko rin.

Basta ang alam ko kailangan ko nang magpaload ngayon kila Ning dahil mag-eexpire na yung load ko.

"Teh pa-load," hindi ko na kailangang sumigaw kasi andoon naman na si Ning sa tindahan nila pagkarating ko. Ininform ko na kasi siya beforehand na pupunta ako sa tindahan nila.

Tumatahol pa nga si Bruno pero di ko na lang pinapansin. Immuned na ko. Para naman kasing galit sa lahat ng tao itong aso nila Ning. Ilang years na kaya akong pabalik-balik dito pero lagi pa rin niya akong tinatahulan. Sakit lang sa heart, char.

Nakatali siya ngayon kaya di niya ako naaabot. Buti nga sa kanya.

Lumingon rin ako sa tapat na bahay nila Ning. Ayun yung bahay nila Giselle.

Sumilip ako sa may bintana sa 2nd floor. Doon ata yung kwarto ni Karina. Nasabi kasi once ni Giselle dati na doon si Karina nag-s-stay sa kwarto na nakatapat yung bintana kila Ning.

Walang ano-ano'y biglang bumukas ang bintana at lumitaw doon si Karina.

Ang ganda.

Bagong ligo pa lang ata siya kasi parang basa pa ang buhok niya.

Na-conscious tuloy ako.

Kakaligo ko lang rin naman pero bakit hindi ako ganon ka-fresh kay Karina?

Sinasabi ko na nga ba na mayroong favoritism na nangyayari.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon