"Winter dyan ka na kasi sa baby seat!"
"Ayoko nga. Bakit hindi na lang ikaw?"
"Kasi ako na dyan dati kaya ikaw naman ngayon."
"Sasakay pa ba kayo o iiwanan namin kayo?" Pagbabanta ni Giselle nang hindi pa rin kami tumitigil ni Ryujin sa pagtatalo. Tumahimik na rin si bruha nang mapansin niyang seryoso na ang itsura ni Giselle.
Ngayon ang araw na napagplanuhan naming pumunta ng university para mag-apply.
Akala ko nga apat lang kaming pupunta pero kasama rin pala si Karina. Balak rin ata niyang mag-apply doon.
Noong una nga nag-offer ulit siya na ipag-drive ulit kami pero tumutol na si Gi at sinabing mas magandang magcommute na lang para maranasan namin kung pano magcommute papunta roon sa school kung sakaling doon din kami mag-aaral.
Sabi ko nga edi magcommute siya mag-isa. Muntik naman niya ako sabunutan.
Kaya in the end, nandito kami ngayon sa sakayan ng tricycle papuntang bayan.
Sa likod katabi ng driver naupo sila Ning at Gi habang kaming tatlo nila Karina at Ryujin ay sa sidecar mauupo.
Obviously, nauna si Karina na pumasok sa loob at kaming dalawa ni Ryujin ang natirang nagtatalo sa labas kung sino ba ang mauupo sa maliit na upuan sa gilid ng tricycle.
Actually, wala namang kaso sakin kung saan ako pu-pwesto pero medyo trip ko ngayon asarin si Ryujin.
"Si Gi na nagsabi, maupo ka na sa baby seat Ryu para makaalis na tayo," sinamaan ako ng tingin ni bruha at tuluyan na ngang naupo sa gilid na upuan pero bago yon ay may sinabi muna siya,
"Sus gusto mo lang kasi katabi si Karina."
Nanlaki naman yung mata ko don at para akong natigilan sa sinabi niya. Ano raw?!
"Wala ka bang balak gumalaw dyan Winter?" Impatient na tanong ni Giselle kaya agad na rin akong sumakay sa loob at naupo katabi ni Karina.
Nakita ko pa yung nakakalokong ngisi ni Ryujin. Sarap niya hampasin.
Naramdaman kong umusog ng konti si Karina para mabigyan pa ako ng space sa pag-upo kaya medyo nilingon ko siya at nagtama mata namin. Agad ko rin itong iniwas.
Kasalanan mo 'to Ryujin!
Bakit kasi ang daming lumalabas dyan sa bibig mo?
Halos 15 minutes pa ang biyahe papuntang bayan kaya matatagalan pa kami dito sa tricycle at pagkatapos non, sasakay naman kami ng jeep. Medyo malayo rin kasi yung school.
Dahil nga hindi naman kalakihan ang tricycle, halos magkadikit talaga kami dito sa loob. Ang mga braso namin ni Karina ay nagtatama pero wala namang kaso yon sakin.
Meron lang akong isang problema.
Ngayong sobrang lapit ko kay Karina, di ko maiwasang maamoy ang pabango niya. Feel ko nga nagiging adik na ko kasi ang sarap lang amuyin. Gusto ko na nga itanong kung ano ginagamit niyang pabango.
Syempre di ko pinapahalata na inaamoy ko siya 'no!
Kaya nang nakababa na kami ng tricycle, medyo nadisappoint ako.
"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dyan Winter?" Puna ni Ning habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Syempre hindi na niya katabi si Karina," sabi ni Ryujin.
"Inaano ba kita Ryu?" Naiinis kong sabi pero tinawanan lang ako ni bruha.
"Ay bakit anong meron kay Karina?" Ito namang si Giselle ginagatungan pa. Eh kung i-friendship over ko kayo?
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fanfiction[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...