Chapter 17 - Advice

477 21 11
                                    

In times of crisis kung saan nahihirapan na tayong maghanap ng tamang kasagutan, may alam akong isang paraan to get the answers. Sabi nga ni Susan Roces, wag tayo mahihiyang magtanong.

Kay Google.

Kahapon pa lang hindi na ako pinapatulog ng mga iniisip ko at sa mga nangyari sa araw na iyon. Tama nga si Ning, mataas ang chance about sa possibility na gusto rin ako ni Karina kasi maging si google ganon rin ang napapansin.

Dahil na rin sa important need naming mag-usap kahapon, dito na rin niya naisipang matulog. Okay lang naman kay mama na nandito si Ning kasi sanay naman na siya sa presence nitong kaibigan ko.

"Bes, first of all, hindi ko alam na matagal na palang may ganap sa inyong dalawa?"

Anong ganap na naman ang sinasabi nito eh wala naman kaming progress.

"Winter wag mo nga akong matingnan ng ganyan. Unang tanong ko palang sa kanya kahapon alam ko na agad."

"Ano nga?"

"Beshie!" Tumayo siya at lumipat sa study table ko para doon maupo. Naiwan naman akong nakaupo sa kama.

"Hindi mo ba napapansin na ang obvious ni Karina?"

At kinwento na nga niya kung ano yung mga napansin niya in her perspective.

Sign number 1.

Lagi daw nakatingin sa akin si Karina tuwing hindi ko siya nakikita.

Binigyan ko naman si Ning ng OA na reaction. Akala ko ba ako lang yung mahilig tumitig sa kanya? Totoo ba talaga 'tong sinasabi ni Ningning?

I never imagined Karina staring at me. Noong una naming kita parang ako pa ata yung madalas niyang nahuhuli na nakatitig sa kanya.

Okay, mali ako.

Napapansin ko nga rin yung mga pagtitig sa 'kin ni Karina dati.

Ngumisi si Ning, "Diba."

"Oo na. Eh ano naman kung tumitig siya sakin? Normal lang naman yon lalo na pag kinakausap ka ng isang tao."

"Bes yun na nga eh. Normally ang attention span ng isang tao ay hindi nagtatagal except kung interested ka talaga sa kanya. Hindi mo rin ba napansin yung itsura niya nung sinabi ko si Somi?"

Sign number 2.

Si Somi.

Umiling lang ako sa kanya.

"Pasalamat ka talaga may friend kang tulad ko," nagmaganda na naman si gaga. "Feel ko na-threaten siya that time pero mabilis lang niyang naitago. Medyo nag-iba rin yung expression niya lalo na nung tinutukso ka namin kay Somi."

"Ang tagal tagal na non tapos siya pa talaga naisipan mo?"

"Siya lang naman yung crush mo dati. Bakit? May naging crush ka pa ba?"

"Wala," sabi ko sabay iling. "So kung ikaw ang nasa pwesto ko at sinabi kong crush mo pa si Justin, okay lang sayo?" balik tanong ko.

"Kadiri ka!" hinampas niya ako.

"Diba. Gets mo na point ko?"

"Oo na!"

"Pero totoo bang si Somi yung nakita niyo?"

"Hindi hehe."

Sabi ko na eh. Duda rin akong si Somi yun.

Sign number 3.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon