Ningning: alam mo ba
Ito na naman si Ningning. Lately ang dami naming mga napag-uusapang chismis. Well, mostly about random stuff lang siya na nakikita niya sa internet pero kadalasan, tungkol talaga kay Giselle yung napag-uusapan namin.
Ningning: actually NGAYON LANG TALAGA SIYA NANGYARI
Winter: teh ano na naman yan
Ningning: binati ako ni lucas!!
Winter: huh?
Ningning: akala niya kasi birthday ko ngayon kaya binati niya ako
Wow so nags-start nang magparamdam sa amin yung Lucas. Naalala ko nga nung nakaraan na in-add rin niya ako as a friend sa facebook. May naaamoy talaga akong fishy.
Ningning: Ningning sent a photo.
Tiningnan ko yung laman ng picture. Convo siya ni Ning kay Lucas.
Lucas: Happy Birthday Ningning😊, Godbless😇mbtc😊
Ningning: Thank you po!!💗 pero hindi ko po birthday ngayon huhu
Lucas: ay hala hahaha sorry
Ningning: okay lang po🤗
Clinose ko na yung picture at saka ko nireplyan si Ning.
Winter: bait mo naman dyan bes
hOY
Ningning: ANO ANO
Natawa ako sa bigla kong naisip. Giselle patawarin mo nawa ako.
Winter: diba may record ka ni giselle nung kumakanta siya dati sa karaoke nung bday ni karina?
wHAT IF isend mo sa kanya??
Ningning: 🤯🤯🤯
GAWIN KO BA
Winter: KUNYARI NAWRONG SEND KA
Ningning: gagawin ko talaga to
HOY SINEND KO
tapos unsend ko rin kapag na-seen niya
Ningning sent a photo.
Ningning: [Ningning unsent a message.]
ay hala sorry po wrong send😭
Lucas: bat nadelete haha
pasend ulit
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fanfiction[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...