Nakakairita.
Sinipa ko yung bato na nakita ko habang naglalakad.
Nakakairita talaga.
"Teh para kang tanga ano ginagawa mo dyan?"
Nautusan ako ni mama na bumili ng rekado para sa niluluto niyang ulam. Hindi daw makukumpleto ang niluluto niya kapag wala yon. Magic sarap lang naman talaga yung pinapabili niya.
Nagkataon rin naman kasing wala akong ginagawa kaya ayun nautusan ako ni mudra.
Sinaway pa niya ako na malapit na raw ang entrance exams at hindi ako nagrereview.
Ma kung alam mo lang...
Hindi talaga ako nagrereview. Char.
Syempre nagrereview naman ako. Alangan namang hindi. Nakasalalay dito ang future ko 'no.
Kahit man lang dito sa university na 'to ako pumasa, okay na ko. Sa lahat ng in-apply-an kong university, wish ko na sana kahit isa lang may tumanggap sakin. Tapos pagkatapos non saka ko na lang poproblemahin kung paano ako makaka-survive sa course ko.
Kakayanin ko ang hamon ng buhay!
Pero ngayon naiirita talaga ako.
"Aray!"
Napahawak ako sa noo ko. Ang lakas naman makapitik nito.
"Kanina ka pa nakatingin ng masama dyan sa bato. Inaano ka ba niyan?" Tinuro pa ni Ning yung bato na sinipa ko kanina. "Kanina pa kita kinakausap hindi ka namamansin."
"Pabili raw ako ng magic sarap Ning," sabi ko na lang. Wala ako sa mood makipagchikahan.
Hindi ko nga napansin na nasa harap na ako ng tindahan nila Ning. Bumalik naman agad si gaga sa loob at kumuha ng magic sarap.
Inabot ko naman na agad sa kanya yung bayad.
"I received 50 pesos."
Mataman kong tiningnan si Ning kung nababaliw na ba siya o ano.
"Bakit yung mga cashier lang ba na nasa mga mall yung pwede magsabi non?" pagdedepensa niya.
Hays. Ewan ko ba dito.
"Here's your change ma'am."
Parang ewan naman ngiti neto.
"Di mo bagay Ning."
Sumimangot naman siya tapos lumabas na ulit siya mula sa tindahan. Naalala ko yung last time na bili ko dito, muntik na akong kagatin ni Bruno.
Speaking of him, bakit kaya walang tumatahol ngayon?
"Nasaan si Bruno?"
"Bakit mo naman sakin hinahanap si Bruno diba nga we don't talk about Bruno," sagot niya.
Napamaang ako.
"Huh?" Medyo nagprocess pa sa utak ko yon. "Gaga ka. Yung aso niyo kasi."
"Ahh," tumango pa siya. Muntanga lang.
"Pinasyal ata ni mama. Wala siya ngayon dito eh."
Ah okay.
"Anyare? Bat para kang pinagsakluban ng langit at lupa? Miss mo ba si Bruno?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ko naman mamimiss ang asong yon kung lagi niya akong tinatahulan tuwing napunta ako kila Ning?
Naiirita rin ako sa mukhang asong nakita ko kanina.
"Bes kumukunot na naman noo mo. May chismis ba?"
"Wala."
"Weh?"
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Pa-fall! | Winrina
Fiksi Penggemar[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili lang siya tingnan ang laman ng profile ni Karina. Akala niya kasi jeje ito nung una pero panalo nam...