Chapter 29 - Condition

359 13 3
                                    

Yung kaba ko noong araw na 'yon, halos mangiyak-ngiyak na ako. Mukhang napansin nga ni mama kasi sabi niya wag daw akong iiyak. Si ate nga daw hindi daw umiyak nung umamin siya.

Ma, magkaiba naman kasi kami ni ate huhu.

Tapos akala pa niya noong una nagjojoke daw ako kaya hindi niya pinansin yung sinabi ko kaya sobrang kaba ko na talaga noong inulit ko ulit for the third time yung confession ko.

Medyo nagulat si mama.

"Seryoso ka ba Winter?"

Ganyan yung sinabi niya.

"Medyo siguro ma."

Dinaan ko pa talaga sa joke. Yung tingin ni mama sa akin, napakaseryoso niya.

Feeling ko papalayasin na ako.

Buti na lang hindi siya nangyari.

Tapos tinanong niya pa ako kung meron daw ba akong nagugustuhan ngayon.

Ang sabi ko meron.

Magsasalita na sana si mama pero bigla ko siyang pinutol.

"Ma, actually jowa ko na siya."

Hindi nagreact si mama pero napansin ko yung panlalaki ng mata niya. Nagtatanong lang naman kasi siya kung may nagugustuhan ako tapos bigla kong sasabihin na jowa ko na siya. Sino ba namang hindi magugulat doon?

"Sino?"

Nanatili ang tingin ko doon sa kinakain ni mama kaya dahan-dahan rin siyang nagbaba ng tingin rito. Mukhang na-gets naman na niya. Natahimik lang kami. Hindi pa rin nagsasalita si mama tapos bigla na lang niyang sinabi na tawagin ko daw ang ate ko.

Pagkababa ni ate, pinaalis muna ako tapos silang dalawa yung nag-usap. Hindi ko alam kung ano yung naiisip ni mama sa akin. Ate tulungan mo 'ko.

Nanatili lang ako sa kwarto. Nag-aabang. Nag-aantay.

Nakita kong nagvibrate yung phone ko.

Si Karina.

Oo nga pala. I need to tell her.

Sinabi ko sa kanya yung bigla kong pag-amin.

"Babe sorry hindi kita na-heads up agad."

"Do you want me to go there?"

Sabi ko 'wag na muna. Hinihintay ko pa kasi si mama. But I'm certain na ipapatawag ni mama si Karina dito sa bahay hindi ngayon pero soon. Sinabi ko yun sa kanya and she said she'll go here daw and talk to her about us.

Ang sweet lang ng girlfriend ko. Parang gusto ko na lang umiyak, charot.

Sabi niya wag daw akong magworry at nandito lang daw siya for me. Napagaan niya in no time yung pakiramdam ko.

Hindi nagtagal, kumatok si ate sa pintuan na natatawa. Sabi niya parang shunga daw si mama kasi tinawag pa siya.

"Akala ni mama straight ka, Winter. Ang hindi niya alam natural na sa pamilya natin ang pagiging bakla."

Pinanlakihan ko ng mata si ate.

Sabi niya gusto daw akong makausap ni mama.

Pagkababa ko, nakaupo na sa sala si mama. Hindi na siya seryoso tingnan. Parang medyo welcoming na yung awra niya. At the same time, bumukas rin yung pintuan tapos pumasok si papa. Kakauwi lang niya galing sa bukid. Nagsasaka kasi si papa at yung nasasaka niyang palay yung binebenta namin para makakuha ng panggastos sa araw-araw. Bilib nga rin ako kay papa kasi napagtapos niya si ate at napag-aaral niya kaming dalawa kahit ganon lang yung trabaho niya. Maparaan kasi si papa sa pagtatrabaho kaya maayos ang buhay namin ngayon.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon