Chapter 19 - Baby Steps

463 15 18
                                    

"Anong okay?"

Yung mukha ni Ning lukot na lukot na.

"Bes ganito ba ang linyahan ng mga matatalino? Kasi kahit anong intindi ko hindi ko talaga ma-gets yung naging conclusion niyo," hinampas ko siya. Anong matalino pinagsasabi niya?

"Matalino ka dyan!"

"Pero as long as nagkaroon na kayo ng linaw sa isa't isa, that's a good sign diba?"

"Of course that's a good sign," sang-ayon ni Giselle.

Tiningnan ko silang dalawa. It made me think again kung bakit ba nandito sila sa bahay ng kay aga.

Para makichismis?

Nagfocus ako kay Giselle na ngumunguya ng mani na binalatan ni Ningning. Feeling ko talaga may hidden agenda 'to.

Syempre friend siya ni Karina. Mas close si Gi ni Karina kaysa sa amin so I'm sure na may sinabi na siguro si Karina sa kanya.

"May nake-kwento ba si Karina sayo Gi?" pagvovoice out ni Ning sa thoughts ko.

"Do you really wanna know?" nagtaas baba siya ng kilay challenging me.

"Oo ako want ko. Giselle pabulong," lumapit pa si Ningning sa kanya pero umiwas si Giselle kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Ganyanan pala Giselle," pagtatampo ni Ning.

Giselle chuckled, "It's better if you ask Karina na lang. I'm not someone who spills someone's thoughts," nagzip pa siya ng bunganga niya. Kala mo naman talaga.

Hinampas siya ni Ning.

"Huy bakit?" hinawakan ni Giselle yung natamaang braso niya.

"Kung ganyan ka lang sana dati sa past crush ko edi sana masaya tayong lahat."

Natawa ako. Hanggang ngayon hindi pa rin si Ningning nakakamove on sa panunuksong ginawa ni Giselle sa kanya dati doon sa crush niya.

"Iba naman kasi yon. That's different!"

Wow. 2 languages ang nagamit. Translation yung isa.

"Heh! Bahala ka nga dyan," humalukipkip si Ning.

Kung walang sasabihin si Giselle sa amin, ano pang silbi at nandito siya?

Tama kaya na makikisagap lang siya ng chismis?

"Giselle–"

"Winter I'm not here para makichismis, I'm here to hear your story," pagputol niya sakin.

"Teh in-english mo lang naman yun eh," sabi ni Ning na tinanguan ko.

"Hoy hindi kaya. Ang english ng chismis ay gossip."

"Ano 'to? English 101 with Giselle?" Sumilip si ate sa pinto ng kwarto ko at nadatnan niya kaming nag-uusap na tatlo. Buti na lang hindi niya narinig yung puno't dulo ng pinag-usapan namin.

"Hi ate Lisa!"

Bihis na bihis siya at mukhang aalis na.

"Aalis na po kayo?" tanong ni Giselle at tumango naman si ate.

"Ate ready ka na?" tanong ko naman.

She let out a smile, "Oo naman Wintot. Sige na aalis na ko, babalik rin kami maya maya."

Sinara na niya yung pinto.

Umurong si Ning palapit sa akin, "Win maganda ba talaga yung jowa ni ate Lisa?"

Mga chismosang palaka.

"Oo nga I heard she looks like a model?" pag-uusyoso naman ni Giselle.

Ah oo nga pala. Ngayon yung day kung kailan ipapakilala na ni ate si ate Jennie formally kila mama.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon