Pano ko ba masasabing "gusto" ko na ang isang tao?
Pano ko malalaman kong "mahal" ko na ang isang tao?
Kapag ba tumibok ng mabilis ang puso ko ay "gusto" ko na siya?
Bakit sa twing nakikita ko siya ay nagwawala sa kaba ang dibdib ko?
bakit kapag kaharap ko na siya ay nauutal ako? Masyadong malakas ang epekto sakin ng prisenya niya. Pero lamang naman ang pagkapikon ko sakanya.
Bakit sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na gusto ko siya? eh sa sarili ko nga ay hindi ko yun nararamdaman.
Paano ka mag kakagusto sa taong laging pinipikon at sinisira ang araw mo?
paano nila nasabi na mahal ko. Eh sa twing nakikita ko ay naiinis na ako.
Gusto pa ba ang tawag don?
mahal pabang matatawag yun?
Pero may isang tao na nagsabi sakin na malalaman mo ring mahal mo na ako kapag biglang tumibok yang puso mo ng kaharap mo ko.
Jheen
YHEN GLAIZIEL'S POV
"Nakakainis bakit ba kailangan pa nila ako kong kaya naman nila. Tinaguriang mga lalaki mahihina." Inis na asik ko kay limer.
"Hindi ba nila talaga kaya?" Tanong ko sa kanya. Siya naman ay napailing nalang. Isa pa 'to pumapangalawa sakin kailangan ay nasapaligid niya pa ako. "Limer hindi ako pupunta.""Pero kailangan ka talaga nila." sabi niya nag init ang dugo ko.
"Kapag sinabi kong hindi ako pupunta.. hindi ako pupunta. " Muling asik ko dahil hindi siya makaintindi. Tumayo na ako at lumabas ng bahay niya. Gagong yun akala mo kong anong sasabihin yun lang pala.
Muli pa niya akong pinakiusapan ngunit hindi na ako nakinig mabilis akong sumakay sa motor ko at pinatakbo iyon ng mabilis.
Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si tita carmine na ang sama na ng tingin sakin.
"Ano?" Tanong ko. At diretso na pumasok sa bahay at pumunta ng kusina.
"Saan ka nang galing? kanina ko pa tinatawagan yang cellphone mo nakapatay." Sigaw niya. Naririndi ako sa bunganga niya.
"lobat eh." Sabi ko at pinakita ang walang battery kong phone. "At tsaka 'wag mo kong sigawan hindi ako bingi." Ayon at lumabas na ako ng kusina.
Pero sumusunod parin sakin si tita. Alam na niya ang ugali ko. Sakanya ata ako nag mana. Siya ang nag palaki sakin."Andito ang mama mo kanina gusto ka niyang makita." Napatigil ako sa paglalakad ng sinabing yun ni tita carmine. "Bakit ba ayaw mong makita ang mama mo?" Dagdag niya pero hindi ako humarap sa kanya nanatili lang akong nakatalikod sa kanya hangang sa magsalita ako.
"Alam kong alam mo kung bakit ayaw ko siyang makita." Sabi ko at nagtungo na ako sa kwarto.
Akala ba niya ay gusto ko siya makita at makausap pag katapos ng mga ginawa niya at sinabi niya sakin ay gugustuhin ko siyang makausap? Hindi at ayaw ko siyang makita.
nahiga nalang ako sa kama at hindi ko na malayang nakatulog na ako. Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa sakit ng tiyan ko.
Hindi nga pala ako nakakain kagabi. Naligo na ako at nagbihis pagkatapos non ay nagpasya na ako lumabas. Nakita ko si tita na naghahanda ng umagahan.
"Sure ako gutom kana." Sabi niya at kinapitan pa ako sa braso at akayin papuntang lamesa para makakain.
"Sinong hindi magugutom kung hindi ka nakakain kagabi. 'Bat di mo nga pala ako ginising?" Tanong ko.
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...