CHAPTER SEVEN

4 0 0
                                    

YHEN'S POV

Lunes

Maaga akong nagising dahil sa tumawag si Yhaz sakin. Kailangan ko rin daw na pumasok at dumeretso sa Dean.

Kaya naman naligo na ako ng maaga at inayos ko na ang sarili ko. Aba alangan namang pumasok ako ng hindi ayon ang sarili ko?.

Naiinis ako sa palda na ito ano ba naman ito subrang iksi.

Ngayon kapa nagreklamo Ziel?

Pero infairness maganda ang uniform namin. Long slave siya tapos napatungan ng coat na kulay black. Ang kulay namn ng palda ay cream.

Pagtapos kong magpalit ay lumabas na ako. Nakita naman ako ni tita at niyaya akong kumain pero tumanggi ako.

Ok na kami niyan kagabi pa. Pinagusapan na namin ang tungkol kay mama. At hindi na daw niya hahayaang maulit yun. ako rin namn baka masaktan ko nanaman si mama kapag nagawa niyang pilitin ulit ako sa bagay na ayaw ko. Lalo na ang makasama ulit siya.

Mabilis kong pinaandar ang motor ko. Ng makarating sa parking lot ay nag park ako agad. Pumasok naman na ako sa loob ng campus. Ok naman na yung tama sa ulo ko eh. Hindi na masyadong masakit. Namumula naman ang mga tama sakin ng maliliit na bato   sa mukha ko. Pati sa braso ay meron ako. Malaki ang ibinato sa ulo ko ng hayop na Carlo na yun President pa naman siya ng klase.

Nang makarating ako sa Dean Office. Ay kumatok ako syempre alangan namang pumasok nalang ako dun. Binuksan namn ni Renz ang pinto.

Naigala ko ang paningin ko at halos ng barkada ko ay nandito.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Renz. Napatingin namn ako kay Carlo na masamang makatingin. "Nong klaseng tingin yan?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita.

"Ms. Alcantara. Buti naman at maaga kang pumunta dito." Si dean.

"Tinawagan ako eh." Sabi ko. At sininyasan niya kaming maupo.

"Bakit ka niya binato?" Tanong ni dean sakin. Habang nakaturo kay Mr. President. Nangunot ang noo ko.

"Bakit ako ang tinatanong niyo?" Tanong ko rin sa kanya. Napabuntong hininga si Dean.

"Anong dahilan para batuhin mo siya ng ganon Mr. Sanchez. Ikaw ang class president ng klase niyo pero ikaw pa ang nauun--"

"Pinag utusan lang ako Dean." Putol niya sasasabihin ni Dean.

"Nino?" Halatang galit na tanong ni dean kay Carlo. Magsasalita na sana siya ng magsalita ako.

"Si Mr. Guillzon ang may pakana ng lahat." nagulat silang lahat maliban kay miler. Sinabi ko sa kanya na si Kurt ang may gawa ng lahat.

"Paano mo nalaman?" Si renz. Gulat na tanong niya sakin.

"Hula ko lang." Naiinis siya sa sagot ko. "Siya  ang nagbato, Oo. Pero ang nag utos ay si Guillzon."

"Sino?" tanong ni renz kay carlo.

"Grabe! hindi ka naniniwala sakin?" hindi niya ko tiningnan nanatili siyang masama ang tingin kay carlo.

"Ipatawag si Mr. Guillzon." si dean.

"Tumawag po sakin si Kurt. Para gawan ng kalukuhan si Yhen. Kaya nag isip ako ng magagawa para ikatuwa ni Kurt."

"Tss!! Sumunod ka namn? eh tanga ka pala eh!" Sigaw ko.

"Ms. Alcantara?!" Si Dean. Pero hindi ko siya nilingon.

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now