RENZ'S POV
Natapos ang klase at breaktime na. Napapansin ko ang pananahimik ni Ziel. Simula ng pumasok siya kaninang umaga ay tahimik na siya. Kinakausap ko hindi naman siya umimik. Parang may kausap lang akong hangin.
Ano kayang gumugulo sa isip ng babaeng ito. Andito kami ngayon sa canteen at kumakain. Hindi parin siya nag sasalita. Ang in-order lang niya ay isang burger at fries.
Nakakahalata rin ako kay Kurt, isa din siyang tahimik simula kaninang umaga. Nakakapagtaka rin na hindi siya nang aasar ngayon, dapat ngayon ay nagsisimula na siya dahil kaharap naman niya ang aasarin. Pero parang parehas silang nagmamadali sa pagkain, patapos na silang dalawa sa mantalang kami ay nangngalatahati pa.
Sabay na tumayo ang dalawa, nagkatinginan pa sila pero dahil walang pakialam si Yhen Glaiziel ay lumakad na siya palabas ng canteen. Naiwan si Kurt dito at nakatingin lang sa naglalakad na si Yhen."Nag away nanaman ba kayo?" Tanong ni Limer.
"Masyado kayong tahimik," si Miler.
"Oo nga napapansin ko." Si Rex. Na kakain pa ng spaghetti.
"Anong nangyari, Kurt? Diba, pinasundan namin siya sayo kahapon nung umalis siya?" Tanong ni Yhaz. Napatingin kami kay Yhaz.
"Anong pinasundan?" Sabay sabay na tanong ng barkada maliban sakin.
"Kahapon kase magkakasama kami, may pinuntahan kase kami nila dad, eh si Kurt ay pumunta sa bahay, kaya pinasama na namin," mahabang sabi ni Yhaz. "Anong nangyari pagkatapos non, nung sinundan mo siya?" Tanong ulit niya. Napabuntong hininga naman si Kurt at tumingin kay Yhaz. Pero hindi nag salita, para bang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin samin o hindi. "Mukhang may nangyari nga," sabi ni Yhaz tumingin pa siya sakin bago dagdagan ang sasabihin niya. "Tinatanong ko kahapon si yhen, pero wala siya sinabi. Kundi yung kay mama lang na nagkasagutan nanaman sila. Pero yung kilos at asta niya, kakaiba." Iling iling na sabi niya. Napatungo naman si Kurt ng lingunin ko.
Tapos na kaming kumain kaya naman pumunta na kami sa room pero wala si Yhen.
"Ayaw niyang pumasok kanina." Biglang sabi naman ni Yhaz.
"Bakit naman kaya?" Tanong ni miler.
"Baka may iniiwasan," parinig ni Yhaz. Napatingin naman kami dito at nakatingin siya kay Kurt. "Malalaman ko rin ang nangyari, tatandaan mo walang sekreto ang hindi nabubunyag." Tatawa tawang sabi niya kay Kurt.
Naupo naman na kami sa sarili naming upuan. Nagkekwentuhan lang sila pero hindi naman ako nakikisali sa kanila. Ilang minuto pa ay may nag bukas ng pinto ng room namin. Si Yhen na kunot ang noo at masama ang tingin sa daan. Hindi siya nag angat ng tingin samin.
"Yhen," tawag ko pagkaupo niya sa tabi ko. Hindi siya tumingin sakin.
"Bantayan niyo si Kurt, siya ang puntirya nila Diego," bigla ay kinabahan ako sa malamig na pagkakasabi niya.
"Ano?!" Sigaw na tanong ko. Tumingin ang lahat ng barkada sakin. Pero hindi na ako sinagot ni Yhen sa halip ay kinuha niya ang phone niya at nagpipindot doon. Nabasa ko ang kanyang text sa isang unregistered number.
Subukan mong galawin isa sa mga taong malapit sakin, mapapatay kita. Yan ang nabasa ko.
Biglang dumating naman si sir at nag discuss na. Hindi na ako makapakinig dahil sa sinabi niya.
Last na subject na namin sa hapon at uuwi na pero biglang nag ring ang phone ni Yhen sa kalagitnaan ng klase. Masamang tiningnan ng teacher namin si yhen. Na ngayon ay kapit na ang phone. "Ms. Alcantara?!" Sigaw ni miss pero si Yhen ay lumabas. Walang nagawa si miss, dahil sa magkasalubong na kilay ni Yhen.
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...