CHAPTER ELEVEN

3 0 0
                                    

KURT'S POV

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo ko, Bumangon ako at nagtatalon ng limang beses. Pumasok naman ako sa banyo at naligo. Paano ako nakauwi? Inalala ko kung paano ako nakauwi dito. Pero wala akong maalala ang natatandaan ko lang yung gusto kong malamangan si Yhen ng inom.

Ano bang nangyari pagkatapos non? Paano ako nakauwi?

Lumabas na ako pagkatapos kong maligo. Pumunta ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig at ininom yun.

"Buti naman at gising kana, aakyat pa naman sana ako at gigisingin ka.,," Biglang sabi ni manang Lucy. Nagulat naman ako.

"Manang naman, nakakagulat ka." Nakangusong sabi ko.

"Kain kana, at tatawagin ko pa yung kapatid mo,,." Si manang. Umakyat naman siya sa kwarto ni khelly. Nakalimutan kong itanong kung paano ako nakauwi kagabi. Pumunta naman ako sa dining table at naupo.

"Buti naman at gising na ang lasing.." biglang sabi ni khelly.

"Hindi kaya ako lasing." Sabi ko. At kumuha ng fried rice at hotdog.

"Talaga, so, paano ka nakauwi kagabi?" Tanong niya.

"Nagdrive malamang.." sagot ko at kumain.

"HAHAHA!." Tawa nila ni manang. Naguluhan ako.

"Wag kami, kuya. Lasing ka malabong makapag drive ka!" Sigaw niya sakin. So, paano nga ako nakauwi? Nag isip ako. "Hindi mo alam?" Tatawa tawang sabi niya at kumuha ng makakain niya.

"Hinatid ba ako ni Renz?" Tanong ko. Umiling si manang. "Paano na ako nakauwi?" Nagkibit balikat lang sila. "Tss, khelly? Paanong nga?!" Tanong ko dito.

"Hinatid ka, nung magandang babae," kunot noong tiningnan ko si manang.

"Si, Miler o si Yhazmine?" Tanong ko.

"Hindi si ate miler!" Si khelly na tatawa tawang sumubo ng hotdog.

"Si Yhaz?" Tanong ko tumango naman siya.

"Pero May kasama,,"

"Sino?"

"Malay ko, di ko kilala eh," sabi niya. So sino? "Maganda siya kuya, akala nga namin ni manang girlfriend mo, pero sabi nung babae, hindi." Dagdag niya. May naiisip ako na kung sino ang kasama ni Yhaz. Ayaw kong paniwalaan na siya yun. "Lumapit pa nga sayo kagabi at tinanggal yung helmet na suot mo." Napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"Eh, yung kotse ko asan?" Tanong ko.

"Yun yung dala ni ate Yhazmine kagabi,." Sabi niya at tumingin pa siya sakin ng nakangiti.

"Saan ako sumakay kung ganon?" Tanong ko. Malabong gawin niya yun.

"Naman kuya, syempre umangkas ka sa motor nung babae," inis na sabi niya.

"Ang ganda niya kaya, hijo.." si manang. Alam ko ng kung sino. Si Yhen. Nakakahiya. Hindi naman ako umimik at nagpatuloy nalang kumain.

"Ang panget tingnan kuya, babae pa ang nag angkas sayo." Sabi ni khelly sa nandidiri ng paraan niya. Hindi naman parin ako umimik. Umakyat ako sa taas ng matapos ako. Doon ako nag isip ng nag isip. Bakit niya ako inangkas? Malamang lasing ka at hindi mo kayang magdrive. Nag bihis ako at bumaba. Pupunta ako kay Yhaz at magtatanong."saan ka pupunta kuya?" Tanong ng kapatid ko.

"May pupuntahan lang ako."

"Saan?" Nakangising sabi niya di naman ako umimik. Hinahanap ko yung susi ng kotse ko. "Pupunta kaba don sa babaeng nag hatid sayo dito. Napatingin ako sa kanya. Wag na, nag thank you ka naman kagabi, lumapit ka panga at ginulo mo yung buhok at kinurot yung pisngi niya na parang nanggigigil ka. HAHAHAH!" Tumawa pa siya sa huli. Ginawa ko ba yun? Nakakainis. Tiningnan ko lang siya ng May nang gugulat na tingin. "Gulat ka no? Ako rin. Ang sweet ng ginawa mo kuya,." Nang aasar na sabi niya. Hindi ko nalang pinansin yun at pinagpatuloy ang paghahanap sa susi. "Ito ba hinahanap mo?" Tanong niya at ipinakita niya nga yung hinahanap ko.

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now