CHAPTER TEN

2 0 0
                                    

YHEN'S POV

Marami na kaming nainom. Pero mas marami ako. Sumusunod si Kurt. Gumagaya. Para bang gusto niya akong Lamangan. Naku Guillzon malalasing ka.

Natapos ko na ang pang pitong beer, binigyan naman ako ng isa ni Renz. "Baka malasing ka?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Napatingin ako kay Guillzon ng humingi siya ng isa pang beer kay Renz. "Nag paparamihan ba kayo ng maiinom?" Tanong niya pero hindi kami umiimik.

"Sino kaya ang malalasing sa inyong dalawa?" Turo samin ni zaijian.

"Bakit nga parang gusto mo kong Lamangan?" Tanong ko kay Kurt.

"Trip ko, bakit?"

"Baka, malasing ka niyan?" Tatawa tawang sabi ko.

"Bakit naman ako malalasing?"

"Dahil umiinom ka." Sagot ko.

"Anong palagay mo sakin, mahina?"

"Yun, yung tingin ko." Inaasar ko siya. Ako naman, hindi laging ikaw. Hindi naman siya umimik. Uminom siya. "Siguro bading ka?" Naibuga niya ang nasa bibig niya. Natawa naman ako. Kahit yung iba. Tumingin siya sakin ng masama.

"Anong sabi mo?!" Sigaw nito.

"Wala,"

"May sinasabi ka."

"Narinig mo ba?"

"Malamang, anong palagay mo sakin, bingi?" Naiinis na siya.

"Narinig mo pala, nagtatanong kapa."

"Mayabang, payat naman." Natawa ako sa kaniya. Mukha siyang timang.

"Tss, hilig mong magsabi ng payat, di ka naman mataba." Sabi ko at inubos ang isang bote ng beer. Ilang minuto ay tapos narin si Guillzon. "Gusto mo talagang makalamang, no?" Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang pag inom.

"Penge pa ng isa." Sabi ni Kurt. Napatingin ang iba sa kanya. "Bakit?" Tanong niya.

"Hoy, May problema kaba? Ang dami mo ng nainom," si Gian.

"Hindi pa naman ako lasing."

"Kayabangan mo," sabat ko. "Lasing kana, renz, wag mo ng bigyan." Sabi ko. Tiningnan naman ako ni Guillzon ng masama.

"Hindi pa ako lasing" kunot noong sabi niya.

"Hindi mo kase nakikita ang sarili mo eh."

"Renz, isa pa." Binigyan naman siya ni Renz ng isa pang beer. Makalamang na siya sakin. Ng isa.

"Grabe, uhaw na uhaw sa alak.,," Sabi ko.

"Wag ka ngang maingay?!" Sigaw niya sakin.

"Ikaw itong maingay eh, sumisigaw kapa,,"

"Ano ba kayo?" Si Rex.

"Tao kami, di mo alam?" Sabi ko.

"Damn it, Ziel--" hindi niya natapos ang sasabihin ng pigilan siya ni gian at zaijian. Nagkatinginan naman sila. Sabay sabay naman silang tumingi sakin.

"May, kilala akong ziel.,,"  awtomatikong napatingin ang iba kay Kurt. Ng sabihin niya yun. Napatungo naman ako.

"Minsan niya na akong tinulungan nung may nag tangka sa buhay ko." Sabi niya. Hindi ako umimik. "Kinakatakutan daw yun eh. Ang angas niyang makipag laban. Hindi bumababa ng sampu yung mga taong humarang sakin nun, pero yung Ziel nayun. Nakaya niyang labanan." Kwento niya. Napatingin sakin ang iba naming barkada. "Ikaw ba siya?" Tanong niya sakin.

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now