KURT'S POV
"Akala mo naman, maganda." Gulat na napatingin halos lahat kami sa doctor, at napatingin ako sa walang emosyong mukha ni Yhen. Sure ako hindi niya nagustuhan ang narinig niya.
"May sinabi ba ako?" Blanko ng tanong ni Yhen dito. Sa tingin ko ay bata pa ang doktor na ito, ilang taon lang siguro ang agwat nito samin.
"Gagamutin ko na yang sugat mo." Sabi nung doctor.
"Hindi na, hindi mo alam yung blade eh." Walang emosyong sabi ni yhen. Ano bang ugali ang meron ito, at ganyan siya? " Sa susunod nalang pag nasugatan ulit ako ng espada, ako na ang tatawag sayo para magamot ang sugat ko." Sarkastikong sabi niya. "Sige na, maaari ka nang umalis, hindi ko kailangan ng doktor na hindi alam ang blade." At saka tumalikod at naglakad papunta sa labas pero pinigilan siya ni tito Blaziel.
"Ano kaba, anak? Nakakahiya kay Lance," rinig naming sabi ni tito.
"Nakakahiya talaga yun, biruin mong hindi niya alam ang blade." Nakakalukong tumawa pa siya.
"Pero kailangan mong magamot,"
"Malayo sa atay, balun balunan at bituka ang sugat ko dad, kita mo naman diba, nakakalakad ako, kaya ko pangang makasapak gamit ito." At tinaas ang braso niyang may sugat. Kayabangan ang alam. "Gusto kong mag pahinga, ako nalang ang mag lilinis ng sugat ko, siguro naman may first aid kit dito,?" Tanong niya pa.
"Meron, sige, yhaz! Ihatid mo na sa kwarto ang kapatid mo!" Sabi pa ni tito.
"Tara na Yhen, nadala na ni manang yung mga gamit mo sa kwarto mo." Hindi naman na umimik si Yhen, at nag umpisa na silang umakyat sa kwarto.
"Lance, I'm very sorry for what happened, ganun lang talaga siyang mag salita," paumanhin ni tito sa doktor.
"It's okay, tito Blaziel, masyadong sarcastic, I like he--"
"Glaiziel is mine," napatingin naman sakin yung doktor. "She's my girlfriend."
"HAHA, I mean I like her personality." Nakangiting sabi nung doktor.
"I don't care," inis na sabi ko. Saka umalis at pumunta sa kwarto ko.
Palusot pa yung doktor na yun, akala mo naman gwapo, suss wala kang maibabatbat sa mukhang meron ako!!
"Bakit ba kase ganun ang ugali non?!" Mahinang sigaw ko at biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kunot noong tiningnan ko ang kakapasok palang na kapatid ko.
"Oh, what happened to your face, kuya?" Maarteng tanong niya. "Don't tell me, nagseselos ka don sa doctor?"
"Pwede ba, manahimik ka nalang khelly?!" Sigaw ko dito.
"HAHAHA!" Bigla ay tumawa siya. Inis ko siyang tiningnan. "Mukhang May kaagaw ka kay ate yhen--"
"Well you please stop, khelly?!" Lalo lang niya akong pinagtawanan.
"Look, kuya, kung ako sayo, ako ang magpi-prisinta na gagamot ng sugat niya."
"Sa doctor nga ayaw, sakin pa kaya?! Tch! Nakakainis kase yung ugali ng babaeng yun, kaya ayan mukhang pati doctor magkakagusto sa kanya!" Inis na sabi ko, at siya natawa nanaman. "Ano naman ang nakakatawa?!" Sigaw ko sa kanya.
"Kung magalit ka naman, eh, parang hindi ka tawang tawa sa mga sinasabi niya sa doctor kanina." Sarkastikong sabi ng kapatid ko.
"Sinong hindi matatawa? Tch! Lumutang yung kutsilyo, at kusang sinugatan yung braso ko." Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. "Kayabangan ang alam."
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...