CHAPTER FIFTEEN

1 0 0
                                    

YHEN'S POV

Nagulat ako sa asta ni Guillzon ngayon. May sasabihin pa naman ako pero bigla akong lalayasan.

"Asan na si Kurt?" Tanong ni Yhaz.

"Nauna na." Tipid na sagot ko.

"Anong nangyari don?" Takang tanong niya.

"Ewan ko." Bumuntong hininga pa ako.

Anong problema niya?

Bahala siya.

"Pupunta kapa kay tita?" Si Yhaz.

"Oo, mag papaalam lang ako na aalis tayo. Baka doon narin ako matulog" Sabi ko at sumakay na agad motor.

"Uy! Sandali." Sabi ni Yhaz.

"Bakit?"

"Tawagan mo si Kurt." Nangunot ang noo ko dahil don.

"Bakit?"

"Anong bakit?"inis na tanong niya.

"Tss!" Singhal ko nalang.

"Ano kaba? Manliligaw mo yun tas ganyan ka sa kanya?" Nainis ako lalo.

"Bakit ako?" Inis na tanong ko.

"Tawagan mo.!" Sigaw niya pa sakin.

"Bakit nga ako?" Inis na tanong ko.

"Manhid kaba?" Tanong pa niya.

"Straight to the point, Yhaz." Inis na sabi ko. Bumuntong hininga pa siya. "Kung wala ka ng sasabihin mauuna na ako." At pinaandar ko na yung motor ko. Hindi ko na nga nasuot ang helmet ko.

Bakit ako ang tatawag?

Lintik di ko ugali yan.

Ano ba kaseng problema non at guma ganoon  na siya?

Wala naman akong na sabing iba diba?

Bibigyan mo pa ako ng problema. Nakakainis ka Guillzon.

Nang makarating sa bahay ni tita ay pumasok agad ako ng maipark ko yung motor ko.

Gulat siyang tumingin sakin.

"Oh, yhen, ok ka lang?" Tanong niya sakin. Umupo muna ako at napa buntong hininga. "May problema kaba?" Nag alalang tanong ni tita sakin.

"Ok lang ako." Sabi ko.

"Uminom ka muna ng tubig." Ini abot niya sakin ang isang baso ng tubig. Tinitigan ko yun at nag isip nanaman.

Wala naman akong nasabi na ikaganon niya ah?

Bakit ganon yun?

"Yhen," napatingin ako kay tita.

"Mag papaalam lang ako kaya andito ako." Nagulat naman siya.

"Bakit?" Halatang kina kabahang tanong niya.

"Isasama ako ni dad sa Batangas," panimula ko. Napabuntong hinga siya ng malalim dahil don. "Tita, hindi ako aalis."

"Akala ko kase ay," hinga ulit ng malalim.

"Hindi ako aalis. Pahinga na ako?" Sabi ko at aakyat na sana sa kwarto ng tawagin pa ako.

"Dito ka matutulog?" Gulat na tanong niya. Tumango nalang ako. "Sige, mag palit Kana at lalabhan ko yang coat at uniform mo. Gigisingin nalang kita pag dinner na." At pumasok na ako sa kwarto. Naligo ako at nag suot ng itim na sando at pajama. Inilagay ko sa laundry ang coat at yung pang ilalim na longsleeve na puti pati yung necktie na red, at paldang cream ang kulay.

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now