YHEN'S POV
Napaupo ako nang may makita akong familiar na tao. Pero hindi ko na yun pinansin pa.
"I'm sorry anak, glaziel hindi ko alam n--"
"Ok lang ho." Putol ko sa sasabihin ni dad hindi naman na kami umimik. Napatingin nalang kami sa nag serve ng kakainin namin. Tahimik naman akong kumain.
Nasakalaghatian ng kainan ay nag ring ang phone ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Tita," sagot ko sa tawag.
"Yhen, ang mama mo, pinapauwi ka." Si tita.
"Ano,?" Inis na tanong ko. Narinig ko naman ang sigaw ni mama.
"Pauwiin mo siya Carmine may sasabihin ako!" Sigaw ni mama.
"Sige pupunta na ako." Sabi ko nalang. Pinatay ko naman yung tawag. Inilagay ko sa bulsa ng pants ko yung phone.
"What happened?" Tanong ni Yhaz.
"Uuwi na ako." At umalis na ako. Sumakay ako sa motor ng hindi nag helmet.
Mukhang siya nga ata ang nakita ko kanina.
Nang makarating sa bahay ay pumasok agad ako sa loob. Narinig ko ang pagwawala ni mama.
"Hinayaan mong pumasok doon ang anak ko, kahit alam mong doon pumapasok ang kapatid niya!!" Si mama. Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko siya pinayagan! Naasikaso niya na kase ang lahat ng kailangan niya para maka pasok sa school na yun. Hindi ko naman siya magawang pigilan dahil yun ang gusto niya!!" Sigaw ni tita.
"Ngayon?! Paano ko magagawang palayuin sila ng ama niya?!" Si mama. Nagulat si tita. Magsasalita pa sana si mama ng mag salita ako.
"Ano ba ang dahilan para ilayo ako sa tatay at mga kapatid ko?" Seryosong tanong ko. Napatingin sakin si mama.
"Bakit mo kasama sila?!" Tanong niya.
"Ano bang pakialam mo?!" Sigaw ko rin kay mama. Lumapit siya sakin at sinampal ako. Napakapit naman ako sa pisngi ko.
"Subukan mong lumapit sa kanya, hindi lang yan ang aabutin mo.!!" Sigaw niya sakin.
"At sa tingin mo ba ay natatakot ako sayo?" Tanong ko.
"Yhen, tama na." Si tita Carmine.
"Yan ang naging ugali ng anak ko dahil sa walang kwentang pagpapalaki mo carmine!"
"Eh, ikaw, naging mabuti kabang ina sakin?" Tanong ko kay mama. Masamang tumingin siya sakin. "Sa pag kaka alam at pagkakatanda ko ay hindi ka naging mabuting ina."
"Kung makasagot ka sakin ay parang hindi kita inaruga.!"
"Inaruga?! Aruga bang matatawag na ako ang sisisihin mo kung bakit lagi akong pabalik balik sa hospital?!" Sigaw ko. "Aruga bang matatawag na sampalin ako sa edad na hindi ko kayang lumaban?! Aruga bang matatawag na ilayo ako sa tatay at mga kapatid ko?! Aruga ba ang ewan ako sa tita ko na dapat ikaw ang gumawa sa lahat ng ginawa niya?!" Sigaw ko. Pinipigilan kong maiyak sa harap ni mama. "Mas naging ina pa siya kaysa sayo. Eh ikaw, wala kang ginawa kong hindi ipamukha sakin na pahirap ako sayo, na lahat ng pera mo ay napupunta sa hospital dahil sa lintik na sakit na meron ako!" Pinahiran ko ang luha na nagbabadyang kumawala sa mata ko. "Gumaling ako sa sariling sikap na meron ako. Dahil gusto kong maging malakas sa harap mo. Na hindi ako maging mukhang mahina sa paningin mo." Hindi siya nakaimik. "Tatanungin kita ngayon, ano bang naitulong mo sakin?" Hindi siya nakaimik. "Diba pag papahirapan lang ang naibigay mo sakin." Naiiyak na sabi ko. "Hindi naging maganda ang naging buhay ko sayo." Sabi ko.
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...