CHAPTER THREE

6 1 0
                                    

YURI KURT'S POV

Grabe ang naging inis ko sa babaeng yun. Ang lakas ng loob niyang sigawan at sirain ang phone ko. LINTIK HINDI YUN MURA PARA SIRAIN NIYA!!! hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nagagantihan. Anong akala niya sakin? hintayin mo ang ganti ko..

Habang nagkaklase si miss ay wala akong tigil sa kanya ng pagbabato ng pinabilog na papel. Tingnan natin kong hanggang saan ang kaya mong gawin?

takte!!! hindi ba siya makaramdam?

hindi manlang niya ako nililingon kahit na batuhin ko siya ng batuhin.

Manhid pa ata ang isang to?

Tumigil lang ako sa pag babato ng matapos ang klase sa hapon. Pababa kami ng room namin ng matanaw ko siya malapit sa locker ko.

pati ba naman dito?

inis na naglakad ako palapit sa locker ko na katabi lang din naman niya. Tahimik niya ng nilalagay yung mga gamit niya at ng matapos ay pumunta na sila ng parking lot. Sumunod naman ako sa kanila.

Nakatingin ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Mabilis siyang sumakay sa motor niya at walang sabi sabi na umalis.

nainis ako ng tuluyan.

"susundan ko lang si yhen." Biglang sabi ni renz. Napatingin naman siya sakin.

"Sasama ako." Napatingin naman ako kay limer ng sabihin niya yun.

"Wag mo ng uulitin ang ginawa mo." Si renz. Napabaling ako ng tingin sa kanya ng sabihin niya yun. Sakin siya naka tingin. "Pasalamat ka at hindi ka na niya pinatulan." seryosong sabi niya.

Napatitig ako sa kanya.

"Hindi mo ba ipapaayus yung phone mo?" tanong niya mayamaya.

"hindi na." Yun nalang ang nasabi ko. Sila naman ay umalis na. Bumaling naman ako sa kotse ko at pinaandar nalang yun pauwi.

takot ko sa babaeng yun. Wala akong pakialam kong hindi niya ako ginagantihan. Kaylangan ko pa bang ipagpasalamat yun?? tch!! kalokohan!!

Ng makarating sa bahay ay pumunta na agad ako sa kusina at nakita ko si manang lucy na naghahanda ng meryenda.

"Kurt!! Gulat na sigaw niya pa ng makita ako. "Kararating mo lang ba?" tanong niya. Tumango nalang ako bilang sagot. "Halika at kumain ka.. bilin na bilin yan ng mommy mo sakin na papakainin ko kayo ng maayos dito." mahabang sabi niya at naupo naman ako sa harap ng dining table.

"asan po si khelly?" tanong ko at nag simulang kumain.

"Naku nasa kwarto niya. Tinatapos niya ang mga assignment niya.. masyadong masipag ang bunso mong kapatid kurt." natatawang sabi ni manag. Napangiti naman ako.

"dadalhan ko nalang siya ng pagkain."sabi ko.

"oh siya at ihahanda ko ang dadalhin mo sa kapatid mo." Sabi niya at naghanda nga siya. Ako naman ay tinapos ko ang kinakain ko. Pagkatapos ko ay lumapit ako sa ref at kinuha ang faviorite niya Chuckie. "Tapos kana ba iho?" Tanong ni manang.

"Opo.. akina ito manang at dadalhin ko na sa kanya." Kuha ko sa dala ni manang at umakyat na ako sa kwarto niya. "Khelly?!! Tawag ko. Khelly?!! Open the door!! At binuksan niya na ang pinto ng kwarto niya.

"Why?!! I'm busy kuya!! I'm not finnish to my school work!!." Galit na sigaw niya sakin pag kabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kwarto niya.. "why are you here ba?" Masungit na tanong niya sakin.

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now