YHAZMINE'S POV
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"Yun yung sinabi niya s-samin ni mama. Pero hindi naniwala si kuya Blaze." Paliwanag ko. Nangunot ang noo niya. "Si dad, halos magalit kay mama. Pero wala siyang nagawa." Hindi siya umiimik andon parin ang kunot ng noo niya. "yhen. Hindi tumigil si kuya sa kakahanap sayo, dahil alam niyang nag sisinungaling si mama."
"Anong dahilan niya para ilayo ako?" tanong niya. Habang nakatingin sa baba.
"Hindi ko alam. Hindi namin alam." Pinanggiliran ako ng luha.
"Anong dahilan para siya ay magsinungaling?" Tanong nanaman niya. nakita ko ang sunod sunod na patak ng luha niya. "A-ano ang dahilan?" lumapit ako sa kanya.
"yhen.. Maaari mo siyang kausapin."
"Kausapin?!! Lintik!! Ngayon pa?! Masasaktan lang siya sakin kong magtatanong ako sa kanya." Sigaw niya.
"Yhen?"
"Yhaz, ilang beses akong nag tanong kung asan ang tatay ko? Kung may kapatid ba ako? Pero ni isa wala siyang isinagot.." Niyakap ko na siya. Hindi siya tumigil sa pag iyak.
"Tama na yhen."
"Ang tagal mo nang alam pero hindi mo manlang nagawang sabihin." May pagtatampong sabi niya.. "alam mong kapatid mo ko pero hindi niyo sinabi sakin." Naiyak nanaman ako dahil sa sinabi niya.
"Yhen, I'm sorry.. I'm sorry.." hinaplos haplos ko ang likod niya. "Si kuya Blaze ang May ayaw."
Kumawala siya sa yakap ko at tiningnan ako. "Anong?" Hindi niya nagawang tapusin ang tanong niya. Tiningnan niya ako habang pumapatak ang mga luha niya.
"Gusto niyang sabihin sayo kapag kaharap si dad at mama.."
"Pero bakit kailangan kasama pa siya?!" Nagtataas nanaman siya ng boses.
"Yhen, kailangan niyang magpaliwanag."
"Sa tingin mo mapapaliwanag siya?!"
"Yhen?"
"Ayaw ko na siyang makita, Yhaz."
"Pero kailangan nating malaman kong anong dahilan." Hindi siya umimik.. nanatili siyang nakatungo.
"Sino si Blaze?" Tanong niya.
"Nakakatandang kapatid natin." Napatingin siya sakin.
"May kapatid tayo?" Napangiti ako sa tuno ng kanyang pagtatanong ay halatang na excite siya. Tango nalang ang naisagot ko. "Pwede ko ba silang makita?" Nagbabakasakaling tanong niya. Tango ulit ang nasagot ko. Napayakap ulit ako sa kanya dahil sa sunod sunod na patak ng luha niya.
"Shh!! Tahan na Yhen.. kung gusto mo after class pumunta na tayo?" Napatingin siya sakin.
"Talaga?" Natawa ako sakanya at pinahiran ang mga luha niya.
"Oo naman. Sure ako na matutuwa si dad mamaya niyan." Masayang sabi ko. "Gustong gusto ka na niyang makita eh
Kaya lang ayaw ni kuya."Hindi siya umimik kaya nagsalita ulit ako. "Galit kaba sakit?" Umiling siya ng sunod sunod. Hindi na siya nagsalita kaya niyaya ko na siya sa canteen.
"Baka hinihintay na nila tayo." Nagpahinga siya at sabay na kaming lalabas sa May locker area ng napahinto siya.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko kay Kurt ng makita ko siya.
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...