YHEN'S POV
Isang Linggo na ang nakalipas ng pumunta ako sa bahay Nina Limer. Hindi parin kami ok ni tita. Hindi kase ako umuuwi ng maaga tumatambay pa ako sa likod ng school ng mag isa.
Nung dumating naman ang Lunes ay wala ng tigil sa pang aasar si Guillzon. Limang araw niyang ginawa yan.
Papasok palang ako ng canteen ng May bubuhus ng orange juice. Aakyat ka ng hagdan bubuhusan ka ng pintura. Pagpasok sa room babatuhin ka ng maliliit na bato. Dadaan ka ng hallway may maglalagay ng balat ng saging para ika'y madulas. Hindi naging normal ang pagpasok ko dito.
Ngayun ko masasabi na pinagsisihan kong pumasok dito.
Kaya ba ayaw ni tita na dito ako mag aral?
Lahat ng nangyari sakin dito ay pasimuno ni YURI KURT GUILLZON. Hindi ko na nagawang patulan siya. Dahil kapag ginawa ko yun magsisisi siya.
Araw ng Linggo ngayon hindi pa ako lumalabas ng bahay dahil alam kong andito si tita. Nagugutom na ako hindi pa ako kumakain mula pa kagabi. hindi pa naman maaari na hindi ako kumain dahil mamatay ako. Mamatay talaga?
Naligo ako at pupunta ako kay Miler. Nang matapos na akong maligo. Ay mabilis na nag ayos ako. Nagsuot ako ng Leather jacket inilagay ang contact lens. Kunting liptint. Pants na itim at nag sapatos din na kulay itim. Favorite ko ang color black. Pagbukas ko ng kwarto ko ay nandoon si tita.
"Yhen? Saan ka?" Tanong niya. Pero nagtuloy ako palabas at bumaba. Sumunod naman siya sakin. "Yhen!! Mag usap tayo?! Sigaw niya at hinabol niya ako ng malapit na ako sa pinto. Kinapitan niya ako nung naabutan niya ako. "Alam kong galit ka sakin da--"
"Alam mo naman pala eh!!" Putol ko sa sasabihin niya.
"Pasensya na. Nagmakaawa kase sakin ang mama mo para makasama ka." Umiiyak na sabi niya.
"Nakita mo ang nangyari kung paano akong saktan. Pero mas pinili mong ipasama ako. H-hindi na ako bata p-para sumunod sa lahat ng nais niya." Nauutal na sabi ko. Tumalikod na ako at aalis na ayaw kong makita akong umiiyak ni tita.
"Yhen?!" Tawag niya pero hindi na ako lumingon pa. Binuksan ko yung gate at sumakay sa motor at umalis.
Ng makarating sa bahay nina Miler ay tinawagan ko yung phone niya.
"Hello?" Sabi niya na halatang bagong gising pa.
"Andito ako sa labas ng bahay niyo pabukas ng gate." Sabi ko at pinatay na. Alam kong bubuksan niya na agad yun. Ilang minuto pa ay bumukas na yung gate.
"Ziel?!! OHMYGOD! YOU'RE HERE." Sigaw niya at yinakap ako.
"Hindi ako makahinga!!" Sigaw ko. Mabilis nman niyang inaliS ang pagkakayakap niya sakin.
"So? Saan tayo?" excited na tanong niya.
"Dito lang." Natawa ako sa reaksyon niya. Sumimangot agad ang mukha niya.
"Bahala ka dyan umuwi Kana!!" Sigaw niya at tangkang isasara yung gate.
"Wui!! Sayang ang ipinunta ko dito." Binuksan namn niya ulit yung gate. "Ano kaba?" Kunwaring nagtatampong sabi ko.
Kumapit na ako sa braso niya at siya na ang hinila ko papunta sa loob ng bahay niya.
"Kamusta yung sugat mo? Patingin." Tiningnan naman niya ang mukha ko. Pero umilag ako sa tangkang kapit niya sa pisngi ko.
"Ok na ko."
"Anong ok d'yan?! Sigaw niya. "Walang magawang matino yung Kurt nayun. Grabe!! Mabait yun eh. Halos lahat ng studyante sa school ka close niya. Pero ikaw lang ang kakaiba."
YOU ARE READING
THE COLD GANGSTER
RandomSi Yhen Glaiziel ay sweet pero cold. Mabait pero palaban. Malakas ngunit may kahinaan. Iiyak pero hindi ipapakita. Nasasaktan pero itatago. Yan si yhen. Pilit ikukubli ang mga masakit nanararanasan niya kahit halata naman na hindi niya kaya. Pero...