CHAPTER FOURTEEN

1 0 0
                                    

YHAZMINE'S POV

Nakakaasar yung kanyang pag iisip kung sasabihin niya ba o hindi. Mukha bang hindi ako pagkakatiwalaan? Sa huli ay nag salita rin siya.

"Naiinis ako sa Guillzon na yun." Panimula niya pa.

"Bakit naman?"

"Paniniwalaan ko ba yung sinasabi niya?"

"Na ano?"

"Yung, yung gusto niya ako?"

"Bakit hindi mo subukan."

"Paano kung trip niya lang yun?"

"Malabo namn na maging trip niya yun, Yhen." Napatingin siya sakin. "Hayaan mong gawin niya yung gusto niyang gawin, doon mo yun mapapatunayan at masasagot ang lahat ng tanong mo," mahabang sabi ko.

"Parang ang hirap kaseng paniwalaan. Buhay niya ang pang aasar, pero yung sasabihin niya na gusto niya ako, ang hirap paniwalaan." Mukhang ngang nahihirapan nga siyang paniwalaan.

"Naguguluhan kalang, kase ang iniisip mo ay hindi siya mag kakagusto sayo, dahil inaasar ka niya diba? Paano kung yun talaga yung way niya para mapansin mo siya." Sabi ko. "Yhen, doon nag sisimula ang pagkagusto sayo ng tao dahil sa pang aasar, baka nga gusto ka non nung una ka niyang makita eh." Napatingin siya sa akin"Naiinis kaba sa pang aasar niya sayo?" Tanong ko.

"Hindi naman, pero parang gusto kong umiwas sa mga ginagawa niya." Sabi niy. Nagulat ako.

"Ano bang ginawa niya sayo, ang alam ko lang naman ay inaasar ka niya. May iba paba?" Tanong ko kaya nakita ko ang sunod sunod na paglunok ng kapatid ko. Mukhang may bagong kalukohan si Kurt.

"Yhaz, kase si Guillzon eh." Nangunot ang noo ko dahil sa pagbitin niya. "Dalawang b-beses niya na a-akong n-nahalikan." utal utal na sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Pilit inaabsorb ng utak ko ang sinabi niya. Dalawang beses niya na akong nahalikan. Bigla ay napasigaw ako.

"Whahahahaha! OMG! Really yhen?!" sigaw ko. "Saan?" Kinikilig na tanong ko.

"Anong saan?" Nagugulat na tanong niya.

"MY GOD! Naging tanga kana, saan ka niya hinalikan?!" Kinikilig na tanong ko kahit na sumisigaw ako. Hindi siya umimik at seryoso niya akong tiningnan. "Sa labi ba? Paano? Magaling ba siyang humalik?" Sunod sunod na tanong ko. "Kwento mo!" Sigaw ko nanaman nag iwas siya ng tingin. "Anong naramdaman mo, nung hinalikan ka niya?" Tanong ko nanaman. "Ano na Yhen?!" Inuga uga ko siya dahil hindi niya ako sinasagot. Bumuntong hininga siya. Kwento naman niya sakin kong kailan nang yari yun. At kinikilig ako pag nag kinukwento siya.

"Kaya ba hindi kayo nagpapansinan kanina ay dahil doon?" Tumango nalang ang kapatid ko. "Tapos hinalikan ka rin niya kanina. Whaahaha!" Sigaw ko nanaman dahil sa kilig.

"Wag ka ngang maingay." Pagpapatigil niya sakin. Pero hindi ako mapakali dahil sa mga nalalaman ko masaya ako para sa kanya at kinikilig ako sa ginawa ni Kurt sa kapatid ko. Tatanungin ko siya kung totoo talaga ang nararamdaman niya para sa kapatid ko. "Anong gagawin ko?" Maya maya ay tanong niya. Napatingin ako sa kanya ng nakangiti. "Mang-aasar ka lang eh, dapat hindi ko na sinabi sayo." Nagmamaktol na sabi niya pa. Natawa ako.

"Okay lang yun, malay mo magustuhan mo rin siya. At saka wala ka namang gagawin."

"Huh! Anong wala?" Nagulat pang sabi niya. "At saka anong magugustuhan?"

THE COLD GANGSTERWhere stories live. Discover now