At a loss

57 2 0
                                    


It's been three days, three freaking days ever since I left the hospital, where I had to stay for four days. Sa ilang araw na pananatili ko doon, wala akong narinig mula kay Daxton. Ni ha, ni ho wala. Kahit anino niya hindi ko nakita. He didn't bother to visit or check up on me kahit na siya ang may kasalanan bat ako naconfine in the first place. How could he do that? Hindi man lang siya nagpadala ng text message tulad ng - Humihinga ka pa ba Ms. Montejo?

Wala. As in.

And now he's standing there, arrogantly, while laughing with his friends.

Bwisit ka, Daxton Reed Salguero. I hate you!

"Ang sabi ko hiwain mo yung karne hindi durugin," rinig kong sita ni Mauve.

Lito ko siyang tiningnan. "Huh?"

"Yung karne," she clarified, then pointed at the chopping board in front of me. Ibinaba ko ang tingin sa itinuturo niya at nanlaki ang mga mata ko sa sinapit ng kawawang karne. Imbes na finely chopped ay naging giniling ang itsura nito. Napakagat ako ng labi at napatingin sa kaibigan ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Ang saya saya mo lang kanina tapos ngayon gigil na gigil ka na parang gusto mong manaksak ng tao."

Bumuntong hininga ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na ang dahilan ng panggagalaiti ko ay kasalukuyan nasa sala at nakikipagtawanan sa mga bisita niya? Na ang gusto kong saksakin ay ang lalaking pinangalanan ng mga magulang niya ng Daxton Reed Salguero?

"Sorry. May iniisip lang ako."

"May problema ka ba?"

"It's just—"

"Babe, busy ka? I want you to meet someone." Nilingon ni Mauve si Cillian. Nginitian ko siya nang balingan niya ako ulit ng tingin. Halata sa mukha niya ag pagkalito sino ang pipiliin niya. Bestfriend ba niya o ang fiance niya.

I mouthed, "Go," helping her to decide and when she hesitated, I added, "I'm alright."

"We'll talk later," sambit niya na tinanguan ko naman.

Naiwan akong mag-isa sa kusina. Today was Cillian's birthday at binigyan siya ng surprise party ng kasintahan. Ako, si Liam, Bernie, at Jasmine ang tumulong kay Mauve para i-organisa ang event na ito. Sa amin na-assign ni Bernie ang pagluluto dahil wala naman alam sa kusina si Jasmine at Liam. Kaya inassign ni Mauve kay Jasmine ang decorations while Liam got the drinks. Si Mauve naman ang naghandle sa invitations.

I was too excited about this party. We started organizing it even before I was hospitalizes. Ang hindi ko alam masisira pala ang gabi ko ng makita kung papasok ng bahay nina Cillian si Seth kasama si Salguero.

Seth was a lawyer and Cillian's best friend. Wala kaming kaalam-alam na magkakilala pala sila ni Daxton. Pagkakita ko sa damuho agad kong hinila si Mauve para sitahin kung bakit hindi niya sinabi na magkakilala pala si Cillian at Daxton pero kahit pala siya ay nagulat ng makita ang presensiya ng kliyente namin sa bahay nila ni Cillian. Napanganga kami ng makitang nag secret handshake si Cillian at Daxton. Nang makita ko na papalapit sa amin si Cillian para ipakilala ang damuho sa kaibigan ko, agad akong tumakbo sa kusina para magtago.

When Daxton, Seth, and Cillian went onto the balcony to talk, I waved my hand to get Mauve's attention and ordered her to meet me at my hiding place. Inusisa ko siya tungkol kay Daxton. Ang kwento niya, nagulat daw ito nang malaman na ang babaeng kinukwento ni Cillian na mapapangasawa nito at isa sa mga may-ari ng BSI ay iisa lang. She also told me that Daxton was one of Cillian's closest friends back in college. Naputol lamang daw ang komunikasyon nila ng bigla na lang nawala ng parang bula si Daxton for two years. Wala daw nakakaalam kung anong nangyari dito. Then nagulat na lang sina Cillian ng bigla itong sumulpot. Tinanong daw ito ng mga kaibigan nila kung saan nagpunta at anong nangyari dito pero tikom daw ang bibig ni Daxton na tila ayaw ito pag-usapan.

To Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon