Unfair

51 3 0
                                    


"Thank you for giving me a ride. Sana hindi ako nakaistorbo," I said apologetically as I took a glance at Nicolas, who was in the driver's seat, driving me back to BSI.

Nagkita kami kanina sa office niya para magmeeting and also to check na rin the progress of the construction of his new office building, then he gave me a ride after. Coding kasi ako today kaya nagtaxi lang ako kanina. Nang malaman niya iyon, he insisted na ihatid ako. Wala din naman din daw siyang gagawin.

He turned his head to me for a second and gave me a smile. "It's okay. I'm always free when it comes to you."

Tiningnan ko siya ng masama. "Tigilan mo ko, Nicolas. Nakakadiri," tugon ko.

After hearing that, he burst out laughing and a smile broke from me.

Hindi ko matandaan ko paano kami nakapagpalagayan ng loob. Basta naging komportable na lang kami sa isa't isa. Nandun pa rin ang respeto pero wala ng masyadong hiyaan. Palagi niya nga akong inaasar tapos kapag nakita niya na bumusangot na ako, tatawa lang siya ng tatawa. Minsan iniisip ko kung ang tingin niya ba sa akin ay pet niya. Tinanong ko na din naman siya kung bakit ang hilig niya akong asarin, ang sagot lang niya ang cute daw ko daw kasi tingnan tuwing naiirita ako. Gumaganda daw ang araw niya pag nakikita niya akong bwisit.

May sasabihin pa sana ako na panopla sa kaniya nang biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at automatic akong napangiti ng makita kung sino ang caller.

"Hi, baby. Where are you?" Daxton asked from the opposite line.

"Galing ng meeting pero pabalik na ng office. Why?"

"I'm picking you up. Will be there in ten."

"Okay. Kita na lang tayo doon. Ingat."

"Later," he replied before disconnecting.

"The boyfriend?" tanong ni Nicolas after ko patayin ang tawag.

Ngumiti ako. "Yep."

"Such a lucky guy," turan nito.

I turned to him, still smiling, and replied, "No. I'm the lucky one."

Sinulyapan niya ako bago siya ulit tumingin sa daan. "If you met me before him, do you think I'll have a chance?"

Kumunot ang noo ko. "Chance saan?"

"Sa puso mo."

"Tumigil ka na nga sa kakornihan mo," natatawang wika ko.

"I'm serious."

I rolled my eyes. "Pwede ba, Zandejas, tigilan mo na pang-aasar sa akin. Hindi pa ba nabubuo ang araw mo?"

Hindi siya umimik kaya wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Usually, tinatawanan lang niya ako kapag pinapatigil ko na siya sa pang-aasar sa akin. Tahimik lang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho. Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan, but he became reserved and withdrawn. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang mood niya para maging ganoon siya. Makalipas ang ilang minuto na pagdadrive, inihinto niya ang sasakyan niya sa tapat ng BSI.

"Well, salamat sa paghatid ha," basag ko sa katahimikan. "Drive safely," sambit ko bago ko tanggalin ang suot kong seat belt at lumabas ng kotse niya.

Hindi ko alam kung may nasabi ba ako para maoffend siya or nagawa na hindi niya nagustuhan. Hindi naman maganda kung ganun since we will still have to work together until we finish his new office. I didn't want us to become awkward with each other. Dahil doon, lumingon ako at tatanungin na sana siya ng nakita ko siyang lumabas ng kotse siya at naglakad palapit sa akin.

To Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon