Interruption

50 1 0
                                    


Agad akong pumikit dahil sa silaw ng liwanag na tumatama sa mga mata ko.

Shit. Ang sakit.

Tumagilid ako at dahan dahang nagmulat ulit ng mga mata ng nahagip ng tingin ko ang litrato ni Daxton na nasa ibabaw ng side table. Teka, bakit... agad kong napabangon ng napagtanto ko na nasa sarili ko akong kama.

Shit! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Pesteng hangover to. Ang sakit sobra. Pakiramdam ko binibiyak ang ulo ko. Kung iuntog ko na lang kaya ito ng ilang beses sa dingding para kahit papano maiibsan ang sakit. Effective kaya? Bakit pa kasi ako uminom-inom.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko, iniisip kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang pagkatapos kung lagukin ang pangpito ko na margarita shot, nagyaya akong sumayaw sa dancefloor. Naalala ko rin ang pagtatalo namin ni Mauve pagkatapos ng pangsampu ko na margarita shot. Pagkatapos noon ay wala na. Blangko na ang memorya ko. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Sina Mauve kaya ang naghatid sa akin? First time ko malasing ng ganito, so I couldn't blame my memory if it failed me.

Staggeringly, I pushed myself up, untangling myself from the comforter. When I was on my feet, I swayed. Kung hindi ko lang kelangan mag toothbrush, hindi ako tatayo. Napahawak ako sa gilid ng headboard to steady myself ng biglang bumukas ang pinto.

I turned and my eyes widened, then my jaw dropped seeing Daxton. He moved over to me, looking too handsome and walking barefoot in his white shirt and jeans.

"How are you feeling?" maagap na tanong nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Anong ginagawa niya dito? At kelan pa siya dumating?

"Gusto ko ng mamatay," mahinang sambit ko.

Nakita ko siyang ngumisi bago niya ako ipinulupot ang mga braso niya sa akin. I buried my head in his chest. It looked comfortable and I could easily drift back to sleep.

"I'm sorry," bulong ko.

"Mag-uusap tayo later. I'll sort you out first," he said, stroking my hair.

Huminga ako ng malalim saka tumango. Binuhat niya ako saka dinala sa banyo at marahang iniupo sa may lababo. Isinandal ko ang ulo ko sa leeg niya dahil sa bigat ng nararamdaman. "Can I die right now?" mahinang saad ko. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan.

Natawa siya bago niya dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa akin na para bang natatakot siya na baka mahulog ako. "Stay here," he said and when I nodded, he walked out.

A few minutes later, he came in, holding a glass of water and pills. Inabot niya sa akin ang mga gamot, tapos walang sabi-sabing pumwesto at tumayo sa pagitan ng mga hita ko at itinaas ang baso ng tubig sa bibig ko."

"Ibuprofen and Midol. You'll feel better within half an hour."

I opened my mouth, took the pills, and drank a lot of water.

"More?" malambing na tanong niya.

Umiling ako. "I'm never drinking again," I whispered, falling forward to his chest.

"That would make me happy since you're a pain in the ass when you're drunk."

Marahan niyang hinaplos ang likod ko. "Did I do something bad?" I couldn't remember what happened last night.

"Yes, so promise me you won't get in that state when I'm not around to look after you."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Ano bang ginawa ko?

"Ikaw ba ang nag-uwi sa akin?" bulong ko.

He cupped my jaw, faced me to him, and kissed the side of my head before pulling back and focusing his gaze on me. "Yes, and I don't like what I saw last night. Promise me hindi ka iinom pag wala ako sa tabi mo."

To Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon