Doubts

43 2 0
                                    


I was in my deepest thought when Mauve sat across from me. I was waiting for her in a coffee shop near DSHQ. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Apat na araw na ang nakalipas since that Ariella Benavente called Daxton and until now, wala pa rin pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Daxton. Palagay ko nga mas lalo pang lumala iyon unlike nung may lumapit sa kanyang babae sa grocery store. Madalas siyang tahimik ngayon at halatang may gumugulo sa isip niya. Kahit na magkasama kami ay parang ang layo layo niya. Mayroon pa din naman siyang time para sa akin. Sabay kaming naglulunch at nagdidinner pag wala siyang business trips pero parang wala din naman akong kasama dahil hindi siya halos nagsasalita. Minsan nga nagugulat na lang ako, may kasama pala ako. Mga ganung moment.

Bagito pa lamang ako when it comes to relationship since Daxton was the first boyfriend and the first relationship I had kaya hindi ko alam ang dapat na gawin sa sitwasyon na ganito. I needed someone to talk to that's why I called my best friend. Kelangan ko ng mahihingahan ng sama ng loob. She might have heard the helplessness in my voice, and even though she was busy preparing for her wedding, she didn't hesitate to come and join me there.

"Did something happen? What's wrong?" she asked as soon as she was seated. The concern in her eyes was obvious.

Sighing, I shrugged my shoulders and slumped in my chair. "Hindi ko alam but I feel like he's pulling away from me," malungkot na saad ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya at halata sa mata niya ang pagkalito. "Sino? Si Daxton?"

Tumango ako.

She looked surprised for a moment. "That's impossible. Never nyang gagawin yun sayo. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng taong yun. Kung hindi siguro siya busy sa trabaho nya walang gagawin yun kundi ang bumuntot sayo."

Umiling ako. "You don't understand"

Kumunot ang noo niya. "Then make me," hamon niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala pero may kasama na iyon na pagkalito.

I took a heavy sigh and told her everything that happened in the grocery store and the phone call in the restaurant. Wala akong itinira, lahat sinabi ko.

She looked stunned after I stopped talking. "Seryoso? My god, I have no idea."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang hindi na siya ang Daxton na minahal ko. He's gone. He was quiet to the point he was distant, like he was there, but he didn't want to be. And kilala mo yun, he wasn't like that. Hell, he didn't even want a space between us when we were together," paliwanag ko na may konting inis. Litong lito na kasi talaga ako. I didn't even know what to think of Daxton anymore. Ultimo feelings niya para sa akin kinukwestiyon ko na.

Mauve gave me a sympathetic look, placing her hand on top of mine and squeezing it. "Kinausap mo na ba siya tungkol diyan?"

"Sinubukan ko ng ilang beses, but every time I asked him about it, he was always deflecting it to another topic."'

"Ano bang pangalan nung babae na tumawag sa kanya?" she asked.

Kumunot ang noo ko. "Ariella Benavente. Why?" I asked her, confused.

Pinagmasdan niya ako sandali like she was hesitating before she spoke. "Hindi kaya yung babae na nakita mo sa parking lot at itong Ariella are the same?"

I bit my lip, and shared with her, "Naisip ko na din yan."

Nag-isip siya saglit bago ulit nagsalita. "Well, kung wala tayong makuhang sagot mula sa jowa mo then I'll ask Cillian. Baka kilala niya yung girl."

Bumuntong hininga ako. "Okay," I muttered.

"For the meantime, don't get all upset right now. Daxton might need a little time, and he will snap out of it in a few days."

To Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon