Best Night

56 3 0
                                    


Nahahapo akong lumabas ng elevator. Sa isang kamay ay hawak hawak ko ang kape ko, ang kabilang kamay naman ay abala sa pagsukbit ng laptop bag sa balikat ko na sinabayan pa ng panginginig ng mga paa dahil sa three-inch heels na suot ko at ang masikip na pencil skirt ko na sa sobrang hapit ay hindi na ko halos makagalaw. Sa sobrang pagkaabala ay hindi pa ako nakapaglaba at iyon na lang ang natitirang malinis na damit ko sa closet kaya wala akong choice kundi suotin iyon. Kararating ko pa lang pero pakiramdam ko ilang araw na akong napirmi dito sa opisina ko sa DSG HQ. Ilang araw na rin akong halos walang tulog. Kung susumahin, ikalimang araw na ito.

Not since Daxton's birthday.

Lumipad ang tingin ko kay Leslie na kasalukuyan akong pinapanood. Kinabahan naman ako ng nakita ang itsura nito. Madilim ang kanyang mukha at salubong ang dalawang kilay na tila ba dala dala niya ang lahat ng problema sa mundo.

"What is he?" agap kong tanong ng makalapit sa pwesto niya.

"Eight."

"Eight pa rin?" gulat kong bulalas.

Nakasimangot siyang tumango. "Yup, walang pagbabago."

Dahil sa narinig nilingon kong muli ang elevator at tahimik na pinagiisipan kung mas mabuti ata na umuwi na lang ako at magleave sa araw na ito.

I couldn't stand another day like this.

Sa bawat araw na lumilipas, nakasanayan na namin ni Leslie na gumawa ng ranking system batay sa mood ni Daxton. It was a simple ten to scale. At sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos pa-grabe siya ng pa-grabe. Nagsimula yun the day after his birthday. And from then on, he was consistently in a foul mood. Hindi ako sigurado kung magiging babae na ba siya at sanhi ng PMS ang pabago-bago niya ng mood. Feeling ko nga, mas grabe pa siya topakin kaysa sa akin kapag malapit na ako magkaroon. Mainit ang ulo niya araw-araw at hindi ako sigurado kung sa akin lang ba siya galit kasi lagi niya akong nasisigawan tuwing nasa paligid niya ako. Minsan tuloy naiisip ko, I was singled out.

Five days ago, Caden and I stood in his office, shocked, when he announced he wanted another set of plans for DSI. Ni hindi man lang niya sinabi sa amin kung ano ang rason bakit niya gusto baguhin lahat ng plano. We had finished almost all the architectural plans and we would just have to discuss with the engineering design team the structural plans. If we would revise all of it, that would take us another two months to finish it all again. At dahil wala kaming choice wala kaming nagawa kundi sundin siya.

Iyon ang dahilan kung bakit wala akong maayos na tulog nitong mga nakaraang araw. Caden's group and I were doing our best effort to complete the new designs in one week because the Devil had given us only a week. All of us knew we had to do it, by hook or by crook, if we didn't want to risk our lives and experienced a nuclear Daxton explosion.

Tatalikod na sana ako para ituloy ang balak na pag-absent ng muling nagsalita si Leslie. "Ipinatatawag ka pala niya sa office niya."

Mabilis ko siyang nilingon. "Ngayon?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

Nilingon muna niya ang nakasarang opisina ni Daxton bago ulit niya ibinaling sa akin ang tingin. "Oo. Sabi niya pagdating na pagdating mo, dumiretso ka daw sa office niya," mahinang saad niya.

"That's it?"

Tumango siya at tiningnan ako ng may halong paalala sa mga mata. Batid nitong mainit ang dugo sa akin ng boss niya.

I closed my eyes, dreading seeing the Devil. My plan for this day was to keep my head down and stay buried in my office, and now I have to go into the devil's den when he's at Eight? Shit!

To Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon