2nd Droplet - Unang Sulyap

853 17 7
                                    

X|S Note:

Hindi ako nakapagpost ng update kahapon, kaya bilang Valentines Day gift --- ito na ang 2nd Droplet.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan ay napagdesisyunan ng mag-asawang Lerma at Mando na pumunta sa Caloocan High School, kung saan nag-aaral ang kanilang anak.

Ipinaalam agad nila ang nangyari sa Principal, kaya ipinatawag nito ang adviser ni Dino. Ikinagulat din ni Gng. Cabreros ang kanyang nalaman. Ayon pa sa kanya, masipag at mabait na estudyante si Dino. Tahimik pero maaasahan at responsableng mag-aaral.

Isinama ni Gng. Cabreros ang mag-asawa sa kanyang klase -- ang seksiyon IV-2B. Tinanong nila ang mga kaibigan ni Dino, na sila April Joy Geronimo at Jaime Gonzaga kung saan siya pwedeng pumunta.

"Sa pagkakaalam ko po Ma'm, eh may lakad po sina Dino at May..." pagtatapat ni Jaime sa kanyang mga nalalaman.

"Saan daw yun iho?" usisa ni Lerma.

"Di ko po alam Tita eh..." sagot agad ng matangkad na binatilyo. "---wala po siyang ikinuwento sa amin."

"Eh yung May, sino yun ? Sa'n namin siya makikita?" tanong muli ni Lerma.

"Siya po ang girlfriend ni Dino, Tita..." sabad ni April Joy.

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa kanilang narinig. Hindi nila alam na may kasintahan na pala ang kanilang anak. Ni wala kasing binabanggit si Dino na may hinahangaan siyang babae sa paaralan. Tahimik kasi talaga siyang bata, kung di mo kakausapin di rin siya magsasalita. Pag-aaral ang kanyang pinagtutuunan ng pansin at panahon kapag nakauwi na sa kanilang bahay.

" Eh, alam nyo ba kung anong seksiyon siya?" tanong naman ni Mando.

"Opo, alam ko po..." sagot ni April Joy, "...ilang beses na rin po kasi kaming nagkita ni May. Taga-sekyong 6A po siya." pagkukwento pa niya.

"Salamat sa inyong dalawa." ani ni Lerma na akma ng tatayo sa kanyang kinauupuan.

"Sige samahan ko na kayo sa 6A..." mungkahi sa kanila ni Gng. Cabreros.

"Wag kayong mag-alala mga bata, makikita nyo uli si Dino." ani ni Mando sa dalawa bago tuluyang umalis.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi nakapasok si May sa eskwela dahil sa pagkakaroon ng lagnat. Mabuti na lang nagmagandang-loob si Princess na samahan si Lerma sa bahay nila. Hindi na nakasama pa si Mando dahil tinawagan siya ng kanyang amo, sa pinapasukang pagawaan ng sapatos. Kailangang-kailangan daw siya doon dahil siya lamang ang nakakaalam ng transaksyon sa mga idinideliver nilang materyales.

Si Lerma na lamang ang sumama kay Princess upang makausap si May. Puno siya ng agam-agam na maaaring makausap din niya ang ina nito. Alam niyang mayaman ang pamilya nila kaya agad na pumasok sa isip niyang posibleng matapobre ang ina nito. Ngunit sa kabila noon ay nananaig pa rin ang pag-aasam niya na malaman ang katotohanan tungkol sa pagkawala ng kanyang anak.

Habang nasa traysikel ay makailang beses na itinext ni Princess ang kanyang matalik na kaibigan upang ibalita ang pagkawala ni Dino.

Sa isang malaking subdivison sa 7th Avenue, Caloocan sila nagpunta. Ang St. Therese Homes ay napakagandang lugar, na mistulang paraiso. Na kahahangaan ng sinumang pumunta rito at pangangaraping dito na lang manirahan.

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon