"---Halika ka na nga dito..."
Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng dalagitang si Princess sa kanyang kaibigang babae. Nasa tabi siya ngayon ng kalsada para abangan ang pagdating ng kanilang school bus. Samantala, ang kanyang kaibigang si May Rain ay tahimik lang na nakaupo sa waiting shed sa labas ng kanilang paaralan.
Hindi na nakatiis pa si Princess, kaya nilapitan na niya ang kanyang kaibigang kanina pa nagmumukmok.
"Di ba sinabi ko na sa'yo, na wag mo ng isipin yun…" paalala niyang muli rito.
"Cess…di ko maalis na wag isipin eh…" sagot ni May na mas lalo pang lumungkot ang mukha.
"Ano ka ba? Baka kaya di siya nagrereply sa'yo dahil wala siyang load noh…" giit niya.
"Pero di ganon si Dino eh…" pangangatwiran pa ni May, "…di niya nakakalimutang magtext sa akin…"
Inilabas pa niya ang kanyang cellphone para tingnan kung may bago siyang text message mula sa kanyang kasintahan, na kanina pang umaga niya tinetext. Hindi rin ito pumasok sa eskwela ngayong araw kaya naman hindi rin sila nagkita.
"…baka naman na-lowbatt? Ano ka ba?" pagkukumbinsi pa ni Princess sa kanya.
"Baka iba ang dahilan…Hindi siya nagtetext sa'kin kung---"
"Kung ano???" Sinadyang putulin ni Princess ang sasabihin ni May dahil napapansin niyang anumang sandali ay iiyak na ito.
"---baka galit siya sa akin." Tuluyan na ngang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni May.
"Ano naman ang ikakagalit niya sa'yo?"
Alam ni Princess na hindi kailanman nagawang magalit o magtampo ni Dino sa kanyang kaibigan, dahil mahal na mahal siya nito.
"Kasi Cess, nagtampo ako sa kanya nang di siya pumunta sa birthday party ko sa bahay…"
"‘Kaw talaga. May tampo-tampo ka pang nalalaman…" sita niya habang pinupunasan ng kanyang sariling panyo ang mga luha ni May.
"Ewan ko ba. Basta sabi ko sa kanya, dapat nandun siya pero di siya pumunta eh…"
"Alam mo na namang mahiyain yung boyfriend mo eh…" pangaral niya"…and di ba, di pa kayo official sa family mo."
"Pero dapat kahit ganon pumunta pa rin siya…" matapos niyang sabihin ang mga ito ay natahimik na si May. Naisip na rin niyang tama ang mga sinabi ni Princess sa kanya.
"At paano mo siya ipakikilala sa kanila? Kaklase mo lang? Hello?" natatawa pang sabi sa kanya nito.
"Sige tama ka na…ititext ko na lang siya mamaya para magsorry…" nakangiti na rin niyang sagot.
"Hayaan mo, kung may tampo nga siya sa'yo lilipas rin yun…Mahal na mahal ka nun eh…" pagbibiro pang muli ni Princess.
"Oo na alam ko yun." pagmalaking sagot niya.
" Pasaload mo na rin baka wala ngang load…" hirit pa ni Princess
"'Kaw talaga, umuwi na nga tayo…"
Huminto ng ilang metro mula sa kanilang kinaroroonan ang school bus, kaya sabay na silang naglakad palapit rito.
Habang palapit sa paborito nilang upuan ay nagbibiruan pa rin ang magkaibigang May Rain Del Rosario at Princess Jallorina. Tinutukso ni May si Princess dahil nakasalubong nila ang matagal na nitong crush na si Adrian James. Pulang-pula tuloy ang mukha ni Princess sa sobrang hiya. Wala siyang lusot dahil wala silang inililihim na sikreto sa isa't-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/842691-288-k390219.jpg)
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomansaHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro