12th Droplet - Pagtatampo

273 11 7
                                    

Gabing-gabi na nang maihatid ni Raymond ang mag-inang Donya Kate at May Rain. Alas-onse y media na noon kaya diretso tulog na si May. Kaya naman tirik na ang araw nang siya'y magising kinabukasan.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagpadala siya ng pagbati ng magandang umaga kay Dino, maging kay Princess na rin.

"Dino, sana nagkamali lang ako. Sana di ka galit na sumama ako..." aniya sa sarili nang maalala ang mga nangyari kagabi.

Naalala pa niya na napilitan din siyang makipagsayaw ng sweet kay Yabang. Ayaw sana niya ngunit binulungan siya ng kanyang ina na babawasan ang kanyang allowance kung di siya papayag. Hayun napilitan na siyang ilapat ang kanyang mga kamay sa balikat nito. Nagulat pa siya nang hawakan naman ni Raymond ang kanyang beywang. Inis na inis nga siya kay Yabang pero nagpigil siya para matapos na ang nakakainis na date na iyon.

Coz there's something in the way you look at me...

Isang mensahe ang dumating. Nang mabasa niya kung kanino iyon galing ay agad nawala ang kabang kanyang nararamdaman. Si Dino ang nagtext, kaya ibig sabihin nito ay hindi galit sa kanya ang kanyang nobyo. Pero gusto pa rin niyang makasiguro kung si Dino nga ba ang lalaking nakita niya sa Fort Sebastien. Sa pamamagitan ng text ay tinanong niya si Dino kung nagpunta ba ito sa lugar na iyon.

Hindi Babe...y? Ito ang sagot sa kanya ni Dino. Kaya nakakasiguro na siyang hindi nito alam na nakipagdate siya sa Yabang na iyon.

"Magagalit ka kaya Babe, kung sasabihin ko sa'yo na nakipagdate ako sa iba..." bulong niya sa kanyang sarili. Magalit nga kaya si Dino sa ginawa niya? "Sana naman hindi, kung sasabihin ko ring di ko naman ginusto yun eh...Napilitan lang ako..."

Nakapagdesisyon na siya na sabihin kay Dino ang kanyang ginawa. Tutal di niya naman ninais na mangyari iyon. Isang mahabang mensahe ang kanyang ipinadala niya kay Dino para ipaliwanag  ang kanyang totoong saloobin sa mga nangyari.

“Mahal mo talaga ako…” Napangiti siya nang sabihin ni Dino sa text na di naman ito nagagalit dahil nga di naman niya ginusto ang lahat ng nangyari.

Biglang pumasok sa isip niyang tanungin si Dino kung sila kaya ang magdate. Isang beses pa lamang naman silang lumabas na magnobyo. Naalala pa niya, ito ay noong nagpunta sila sa Intramuros para sa Lakbay-aral nila sa Araling Panlipunan. Di nga maituturing na date iyon kasi marami silang kasama. Gusto nila na silang dalawa lang, pero di na nasundan ang date na iyon.

BabE…pwde b tau mgkta?...mgddate tau! Ito ang mga katagang sabik na sabik niyang itinype sa kanyang cellphone.

“Sana pumayag ka…” aniya sa isip, “…syempre naman papayag ka ‘no”

Sori BabE, per0 d tau maaarng mgkta 4 now…

d q pwdeng sbhin ang dhilan…

Sori tlga sna maintndhan m0…


Biglang kumirot ang puso niya dahil sa pagtanggi ni Dino. Akala niya ikatutuwa nito na sila’y muling magkikita pero hindi pala. Gustong-gusto na niyang mayakap at mahagkan ang lalaking kanyang pinakamamahal, ngunit ito naman ang may ayaw.

“Mahal mo ba talaga ako Dino…” aniya muli sa sarili habang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman. “Siguro di mo na ako mahal…Baka nakahanap ka na ng bagong girlfriend. Yung mas maganda sa’kin at higit sa lahat di mayaman tulad ko na mayroong matapobreng pamilya…” paghihimutok niya.

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon