17th Droplet - Birthday Gift

320 9 3
                                    



“Para sa nagbabagang balita…Isang bangkay ng di kilalang lalaki ang natagpuan sa isang subdivision sa Caloocan City. Narito si Dindo Mingo para sa nasabing ulat. Dindo…”


Kasalukuyang naluluto ng hapunan si Lerma nang marinig ang naturang balita sa telebisyon.

“Isang naaagnas na bangkay ang natagpuang nakasemento sa isang subdivision - ang St Therese Homes, sa nasabing lungsod. Ayon sa mga nakasaksi, nahukay daw ng ilang lalaki ang nasabing butas na pinagbaunan ng bangkay dakong alas-sais, kaninang umaga.

Ipinakita sa screen ng telebisyon ang nasabing malaking butas na may mga bakas ng ilang patak ng dugo.

“Kawawa naman ang taong iyon.”  ani ni Lerma dahil sa nakikita.

“Isinagawa ang paghuhukay upang ipagpatuloy ang naantalang pagpapagawa ng itinatayong Club House ng subdivision, na nahinto dahil sa kakulangan daw ng pondo. At nang hindi sinasadyang mabutas ng mga lalaki ang sementong tumatakip sa butas ay agad na umalingasaw ang mabahong amoy mula rito na galing pala sa bangkay. Nang mahukay ay tumambad sa kanila ang nakataob na bangkay ng isang lalaki. Siya’y nakasuot ng isang pulang damit at maong na pantalon.” Pagsasalaysay pa ng tagapagabalita.

“Ma, tapos na po ako’ng maligo.” Naibaling ni Lerma ang kanyang atensyon sa anak niyang humarang sa kanyang harapan.

“Sige, halika ka na sa loob…” aya niya saka siya tumayo sa kinauupuan upang samahan si Dian sa kanilang silid upang mabihisan.

“Para sa karagdagang impormasyon, narito po si Roslyn Santiago…” ani muli nang brodkaster na si Korina Sanchez ng TV Patrol World.

“Korina, ayon sa mga pulis, tinatayang nasa edad 16 hanggang 20 ang nasabing lalaki. Ang kanyang pagkakakilanlan ay di pa matukoy. Ngunit ayon sa isinagawang otopsiya, nagtamo siya ng ilang malalalim na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Partikular na sa kanyang tiyan, na nagtataglay ng limang dikit-dikit na saksak.

Nagtamo rin ang biktima ng tama sa ulo na dulot marahil ng pagkakahulog niya sa nasabing butas kung saan siya ibinaon, na naging resulta ng pagkabasag ng kanyang bungo. Batay na rin sa otopsiya, tinatayang magdadalawang linggo nang nakabaon ang bangkay na ito.

Sa ngayon ay patuloy ang mga kinauukulan sa paghahanap ng mga ebidensya sa pinangyarihan ng krimen. Nang sa ganon ay matukoy na nila ang pagkakakilanlan ng lalaking ito, maging ang mga suspek sa krimen…

Ako si Roslyn Santiago para sa News Patrol…”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi agad nakatulog si May, dahil hindi pa rin maalis sa isip niyang ang mga binitawang salita ng binatilyong nakausap niya kaninang umaga.

“Ba’t daw hindi ako masaya na magkikita na kami…” Ulit niya sa mga sinabi ng binatilyo. “…sino’ng kami? Eh di ko nga siya kilala eh. Pero bakit niya ako sinabihan nun. Baka kilala niya ako???”

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon