11th Droplet - Date with Yabang

286 10 0
                                    

“Good Morning May…”

Ikinagulat ni May ang unang taong kanyang nakita nang siya’y makababa sa kanilang hagdan. Si Raymond de Vera aka “Yabang” ang naririto sa kanilang bahay sa ganitong oras. Alas dyis pa lang ng umaga pero dinalaw na siya nito. Ano kayang kailangan nito sa kanya, pero kahit ano pa yun, siguradong ikakasira na naman iyon ng araw niya.

Isang gwapong binatilyo si Raymond. Matangkad at makisig ang tindig. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang sa batok. Mapapansin rin ang ilang hibla nito na kulay asul, na nahahati rin sa gitna, at mayroong ilang hiblang nagsisilbing bangs. Isang sunglasses rin ang nakapatong sa kanyang ulo.

“May, Raymond is here to ask you for a date…” ani ng kanyang ina habang sila’y nag-aagahan. Syempre naroon din si Raymond, na katabi pa niya ng upuan.

“Yes Tita it is a special date at Fort Sebastien…” dagdag pa ni Raymond na halatang nagpapa-impress sa kanyang ina. Syempre lalong-lalo na sa kanya, pero hindi naman niya pinapansin ang mga sinabi ni Yabang kaya patuloy lang siya sa pagkain na tila walang anumang naririnig sa kanyang paligid.

“May, what’s your answer? Is that a Yes or a No?...” si Yabang na naman ang nagsalita. Sa sobrang inis niya sa kakulitan nito ay isang madiing “No” ang kanyang naibulalas.

Tinitigan siya ng masama ng kanyang ina. Nanlaki pa ang mga mata nito na isa lang ang ibig ipahiwatig, na kailangan niyang sumama kay Raymond Yabang.

Matinding pag-iling naman ang itinugon niya sa kanyang ina. Ayaw niyang masira ang kanyang buong araw dahil sa pagsama sa isang taong nakakahiya ang lakas ng hangin sa katawan. Makita lang niya ang mukha nito ay naiinis na siya. Kaya nga sa tuwing dumadalaw si Raymond dito sa bahay nila ay tinataguan na niya ito. Matapos tanggapin ang ilang regalong pilit nitong ibinibigay sa kanya ay nagkukulong na siya sa kanyang silid.

“Tita Kate, I got to go…” Biglang tumindig si Raymond sa kanyang upuan at lumapit sa kanyang ina.

“Raymond, May will go with you later.” giit nito, kaya napatayo siya pagkagulat. “What time you’ll be here?” pero hindi umubra ang ginawa niyang pagtanggi.

“Seven o’clock in the evening…”  tugon ni Raymond na nakangiti pa habang sinasabi ito sa kanya, “Bye May, see you later.” pamamaalam pa nito kaya halos manggalaiti siya sa galit.

“Ahh, si Mommy naman eh.” inis niyang bulong sa kanyang sarili, “..bahala siya, di ako pupunta sa date na yun.” Nawalan na siya ng ganang ipagpatuloy ang kanyang pagkain kaya naglalakad na siya palayo sa kanilang hapag-kainan.

Ihinatid naman ni Donya Kate si Raymond sa palabas ng kanilang bahay. Inuulit-ulit pa niya sa binatilyong sasama si May sa kanilang date kaya tuwang-tuwa ito. Tiyak matutuwa din daw ang kanyang ama kapag nalaman iyon. Kaya lihim na ikinasiya ni Donya Kate ang mga nangyayari, dahil naaayon iyon sa kanyang mga plano na maging malapit ang kanyang anak sa anak ng isa sa pinakamayamang  negosyante sa Pilipinas. 

---------------------------------------------------------------------------------------------

“Ma, ba’t nagkikilos na kayo? Baka mapagod kayo nyan.”

Kauuwi lang ni Dahlia mula sa kanilang unibersidad nang maabutan niyang naghuhugas ng mga pinggan ang kanyang ina.

“Okay na ako iha.”  tugon sa kanya nito, ” ayokong maupo na lang dito sa  bahay.”

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon