10th Droplet - Rose for Mama...

343 10 3
                                    

Alas onse singkwenta’y singko na nang gabi, kaya namumutawi na ang kadiliman sa buong paligid ng St. Therese Homes . Wala ng makikitang tao o anumang sasakyang nasa kalsada. Hindi na kasi maaaring magpapasok o magpalabas ang mga guwardiya ng subdivision sa ganitong oras. Kaya naman libre na makatulog ang nakatalagang gwardiya.

Samantala, sa mansyon ng mga Del Rosario ay mayroong isang tao ang di pa rin nakakatulog ----si May Rain. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanilang mahabang terasa, nakatingin sa kalangitan upang pagmasdan ang mga kumikinang na bituin at ang maliwanag na buwan.

So raise your hands to heaven and pray

That we’ll be back together someday

Ang kantang ito ang narinig niya kanina kaya siya naalimpungatan. Dali-dali siyang bumangon, kaya nalaman niyang naiwan pala niyang nakabukas ang kanyang CD Player.

Nakatulog pala siya habang binabasa ang kanyang mga aralin. Maging ang isa sa mga tulang ihinandog sa kanya ni Dino. Hindi na siya dinalaw pa ng antok, kaya nagpunta na lang siya sa kanilang terasa. Dinala rin niya dito ang kanyang CD Player upang ipagpatuloy na lang ang pakikinig.

Tonight I need your sweet caress

Hold me in the darkness

Tonight you calm my restlessness

You relieve my sadness

Napayakap siya sa kanyang sarili nang biglang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang balat.

“Ang lamig naman, kailangan ko ng pumasok…” aniya sabay baba sa terasa.

Paalis na siya roon nang napatigil siya sa kanyang paghakbang. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay at paa, dahil sa panunuot ng lamig sa kanyang buong katawan.

As we move to embrace tears run down your face

I whisper words of love so softly

“Ang la-mig…” Nanginginig na talaga siya, “ baka si-punin ako nito…”

I can't believe this pain

It's driving me insane

Without your touch life will be lonely

“Teka, ano yun?!”  Napatili siya nang may biglang tila may dumampi sa kanyang labi. Sapo-sapo na niya ang kanyang dibdib sa labis na kaba at pagkabigla. Lumingon-lingon pa siya sa paligid bago patakabong pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Hanggang sa makarating siya sa kanyang silid ay balot pa rin siya ng takot at pagtataka sa nangyari. Halos di pa rin bumaba ang kanyang mga balahibong tumindig dahil sa panghihilakbot.

Samantala, isang anino naman ang maaaninag sa tabi ng isang poste sa labas ng mansyon ng mga Del Rosario. Sa taglay na liwanag ng buwan ay maaaninag pa rin ang kanyang kasuotan. Isang pulang T-shirt ang kanyang pang-itaas ,maong na pantalon naman ang pang-ibaba. Matama niyang pinagmamasdan ang isang bahagi ng mansyon—ang terasa, na kinaroroonan ni May kanina.

Makikita rin ang isang cellphone na hawak niya sa kanyang kanang kamay. Itinapat pa niya iyon sa terasa at isang liwanag ang muling lumabas mula rito, pagkat kinunan muli niya ng larawan ang lugar na iyon.

“Mauunawaan mo rin ang lahat sa takdang panahon…” aniya bago dahan-dahang lumakad palayo sa lugar na iyon.

-----------------------------------------------------------------------------------------

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon