Dumiretso agad si May sa kanyang kwarto, kaya nabigla siya nang makita niyang nasa kama ang kanyang laptop.
"Bakit kaya 'to ibinalik ni Mommy?"
Hindi niya naiwasang mapaisip sa tunay na motibo ng kanyang ina, pero nagpasalamat na lang siya dahil makokontak pa rin niya si Dino.
Nahiga siya sa kanyang kama matapos niyang buksan ang kanyang CD Player. Isinalang niya rito ang kanyang mga paboritong love songs ng iba't-ibang singers tulad nila Christian Bautista at Erik Santos. Ang CD na ito ay binurn mismo ni Dino, na iniregalo nito sa kanya noong Valentines Day.
Unang kantang tumugtog ay ang Say You'll Never Go ni Erik. Ito ang themesong nilang dalawa, ito rin ang kantang narinig nila habang sumasayaw sila sa kanilang JS Prom, limang araw na ang nakakalipas.
[ How can I make it through the day
Without you
You have been so much a part of me
(and if you'll go) ]
Ang gabing iyon ang maituturing ni May na pinakamasayang gabi nila ni Dino. Damang-dama niya ang pagmamahal ng kanyang kasintahan sa bawat haplos nito sa kanyang mga pisngi. Naalala pa nga niya, na pinagtitinginan sila ng iba pang mga estudyante nang gabing iyon dahil sa sobrang kasweetan sa isa't-isa.
[ I'll never know what to do
How can I carry on my way
The memories…
When all that is left is the pain of my history
Why should I live my life today ]
Sa gabi ring iyon naganap ang kanilang unang halik sa labi. Nasa likod sila noon ng stage nang bigla siyang madulas nang maapakan niya suot niyang gown. Mabuti na lamang ay nasalo siya ni Dino pero pareho silang napahiga sa sahig, kaya naglapat ang kanilang mga labi ng di sinasadya. Ilang segundo rin nilang ninamnam ang kanilang unang halik.
[ Say you'll never go
Say you'll never go out my way…Say you'll never go
For we can still go on
And make it through ]Mas lalo pa niyang napatunayan kung gaano siya kamahal ni Dino nang surpresahin siya nito ng isang simpleng date sa ilalim ng isang puno nang gabi ding iyon. Na naging daan upang magawa nila ang isang bagay na hindi nila akalaing magagawa nila sa maagang panahon. Pero hindi niya ito pinagsisihan dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa.
[ Just say you'll never go
Say you'll never go away…]Agad ding napawi ang kasiyahang kanyang nararamdaman dahil sa pag-aalala niya sa kalagayan ni Dino.
"Dino…bumalik ka na…" aniya na muli na naman sanang iiyak, pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
Tumayo siya para kunin ang malaking pink teddy bear na nakapatong sa kanyang kabinet. Mahigpit niya itong niyakap habang iniisip ang maamong mukha ni Dino. Ito ang regalo nito sa kanya noong kanilang 1st monthsary. Ang bracelet na suot naman ng bear ay regalo rin nito noong kanilang 2nd monthsary.
November 22, 2007 ang official date ng kanilang relasyon, kaya naman naging napakasaya ng pagseselebreyt nila ng nagdaang Pasko at Bagong Taon, syempre pati na rin ang Valentines Day.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomanceHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro