Kabanata 7

9 3 0
                                    


"San ka iha?" 

Napahinto ako sa paglalakad papalabas ng harangin ako ng katulong namin, malugod naman ako ngumiti. 

"Diyan lang po," Dahilan ko, sana hindi siya magsumbong. 

Tumango naman siya, "Iinom ka?" 

"Opo." 

Alam naman nila lahat kung ano ako, nakikita naman nila iyon. Ewan ko lang kung bakit hindi iyon makita ng magulang ko marahil bulag sila sa katotohanan na hindi naman talaga perpekto ang anak nila. 

Maybe may ganon talaga sa mundo may mga magulang na tanggap ang anak nila pero merong hindi. 

"Uuwi po ako ng maaga," Ani ko. 

Nakangiti na akong lumabas ng bahay nang makakita ako ng masasakyan agaran akonh sumakay doon, napako pa ang paningin ko sa bahay nila Rayden tahimik na ang bahay nila marahil tulog na ang mga nakatira doon. 

Tumunog ang cellphone ko kaya naman naputol ang tingin ko doon, mabilis kong nilabas yun sa bag na dala ko. 

Isang mensahe ang nanggaling doon, 

Rayden: 

You coming? 

Ang tanging mensahe na nandoon ngunit grabe ang bultaheng nararamdaman ko. 

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon o hindi, sa huli pinasok ko nalang uli iyon sa bulsa ng pantalon ko. 

Nang makarating ako sa usapan namin naisipan ko muna bumaba sa mas malapit sa usapan namin, napilitan ako dumaan sa convenience store para humabol ng inumin, nang akmang aabutin ko ang isang karton ng beer nang mahagip ng mata ko ang  mga hard drinks napangiti ako ng makita ko ang isang bote. 

Gin. 

Dinampot ko iyon atsaka dumampot ng iilang chichirya nakakahiya naman kung siya ang laging bibili ng maiinom namin. 

Pero hindi ako bibili ng mga bagay na kagaya ng iniinom niya dahil alam ko naman na hindi na siya mabibigla sa ganon, I want him to taste something new. 

Siya agad ang bumungad sa park ng makarating ako doon one thing I like about that park tahimik doon, and I have my second reason now. 

Nakayuko siya nang lumapit ako, bahagya niyang ginagalaw ang mga paa niya hudyat na kinakabahan siya sa kung saan. 

Ang anino niya ay natakpan ng makalapit ako sa kanya agad siyang nag angat ng mukha. 

"Hey.." Bati ko. 

Ang nakasimangot niyang mukha ay agad na napalitan ng ngiti. "Sup?" Aniya. 

Tinaas ko ang dalawang plastic bag na hawak ko, "Inom?" 

Tumango siya, nang umusog siya para bigyan ako ng pwesto sa tabi niya mabilis kung napansin ang ang dalawang plastic bag na nandoon. 

"Ah-" Kamot ulo siya, "Akala ko hindi ka bibili." 

Tumango ako, "Okay lang, pwede naman nating inumin ng sabay." 

"Okay." 

Nang ilabas ko ang bote ng gin tsaka naman siya nakunot ng noo dinampot niya iyon at pinagmasdan. 

"What is this?" 

"Gin." 

Natuwa ako ng makita ko ang reaksyon niya, tama ang hinala ko na hindi pa niya nakikira ang ganitong inumin. 

"Hindi kapa nakakatikim nito?" 

Umiling siya, dali-dali kong kinuha ang maliit na pitchel na binili ko din kanina tsaka ang isang mineral water, nagtataka siya kung ano ang ginagawa ko pero hindi ako tumigil sa pagsalin ng gin, kinuha ko din ang isang tang grapes na binili ko tsaka ko sinalin sa loob ng gin na nabawasan ko na. 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now