Lumabas ako ng classroom nang tulala, expected ko na mababa ang score ko. Pero hindi ko ata kaya na ako ang pinakamababa.
Nag umpisa mag-ring ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng pantalon.
Alam ko na, nakarating na agad sa kanila.
Binalik ko iyon at patuloy na naglakad para makalayo sa classroom, naisipan ko na tumambay sa cafeteria hindi ko na alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob kung bakit may tapang ako na hindi pumasok ngayong araw.
Isang ring muli ang narinig ko, nakasimangot ako nang kuhain ang cellphone ko sa bulsa ko sa pag aakala na si mommy or daddy iyon pero napallitan din agad ng ngiti iyon dahil sa pamilyar na pangalan ang bumungad saakin.
Agad ko iyon sinagot.
"Hey?" Bungad ko sa kanya.
"Let's ease how you feel."
Kumunot ang noo ko, "Ha?"
"Alam ko ang nangyare, mabigat ang nararamdaman mo?"
Malambing ang boses niya, parang nanghahalina.
Tumango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita, pero iba padin ang sinagot ko dahil ayoko siyang maabala.
"Hindi okay lang."
"Liar-"
"Ha?"
"Liar.."
Napaangat ako ng tingin ng makita ko siya na nasa gilid ko lang.
"You liar,"
Maangas siyang nakatayo sa harap ko, ang malaking katawan niya ay humaharang sa mga paminsan-minsan na tao na dumadaan doon.
Hindi ko alam pero parang nagkaroon ako ng taong matataguan, parang okay lang na bumagsak ang luha ko dahil nakaharang naman siya saakin. O okay lang dahil nasa tabi ko naman siya.
Kaya hindi ko maiwasan na hindi tumulo ang luha, sunod-sunod iyon na tumulo sa mata ko, hindi naman siya nagsalita nanatili lang siya na nakaharang saakin.
He understands that I need it now, he understands that I need to bring it all out.
"My family will be disappointed to me, bakit hindi ko ito napasa." Patuloy ang luhang dumaloy sa mata ko, pilit ko itong hinahawi ng palad ko ngunit hindi naman sumasang-ayon iyon, "Bakit hindi ko maayos ang sarili ko ngayon. "Naiinis na sabi ko.
Inabot niya saakin ang isang puting panyo, hindi ko alam pero nang makita ko iyon bigla akong natawa, bakit ang laki niyang lalaki ngunit may dala siyang ganong panyo.
Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pag ngisi niya, kinuha ko din ang panyo niya nang makita niya na pinupunasan ko na ang luha ko tsaka siya umupo sa tabi ko.
"Okay kana?"
Tumango ako. "Medyo."
"Alam mo hindi mo kailangan na gawing laging proud ang family mo, The most important person who should be proud of you, is yourself. Sa panahon ngayon sino ang may pake sa opinyon ng ibang tao?"
"Ako-"
"Kaya ka napre-preassure eh-"
Tumango ako, "Kailangan ko mapreassure,"
"Dahil?" Aniya.
"Dahil umaasa saakin ang pamilya ko."
"I know your parents-" Aniya, napatingin naman ako sa kanya, "Madami na akong narinig sa kanila, ayon sa iba they were the great person, andami din nilang achievements."
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...