Kabanata 28

3 1 0
                                    


Sinundan ng mata ko ang paglabas niya ng pinto ng office ko, ilang beses akong huminga ng malalim atsaka din nag ayos. Tapusin ko nalang ito tutal mukhang hindi naman ako makakatakas sa isang ito dahil mukhang hindi siya nagbibiro ng sabihin niya gusto niya talaga ako samahan sa hospital. 

Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa isang tao, I even want to show him that he doesn't have anything to do with me o kahit sa bata na nasa sinapupunan ko. 

I immediately picked up my bag and left the office, nandoon padin ang ibang nagtatrabaho. 

"Manong Dencio?" Ani ko sa isang pinagkakatiwalaan ko dito. 

Matanda na si Manong Dencio pero bihasa sa ginagawa niya, may binubuhay din siya mga anak kaya kahit uugod-ugod na hindi niya padin kayang huminto sa pagtatrabaho. 

Saludo ako sa kanya, kung ako ang papipiliin mas gusto ko na ganito lang kasimple ang boung namin ng anak ko, kakayod para may makain tapos uuwi na masaya dahil may nakahanda na sa mesa, hindi naman niya siguro dadamdamin kung wala siyang ama. 

"Bakit po mam?" 

"Maaga po ako aalis ngayon," Inabot ko sa kanya ang susi. "Kayo na po ang bahala sa store, kung pwede po pa check kung maayos na nakasara bago po kayo umalis, " 

Tumango ito at kinuha saakin ang susi. "Ay sige po mam, walang problema." 

Binuksan ko ang bag ko at bumunot ng pera sa wallet ko, hindi naman ganon kalaki yun dahil wala naman din ako maibibigay na malaki. Pero alam ko na makakatulong na ito. 

"Ito po oh, pasuyo nalang po-" 

"Ay mam, wag na po." Patuloy ang pag iling nito. "Trabaho ko naman talaga ito mam, isa pa nagpa meryenda na po ang mister niyo.." 

"Mister?" 

"Opo.." Tango nito." Yung lalaki kanina mam, nagbigay po siya saamin ng madaming pizza. Ayun nga ang iba hindi pa nauubos!" 

Sinundan ko ang mesa nila kung saan nakalagay ang dalawang box pa ng pizza, at ang iba na nandoon ay wala ng laman. 

"H-indi ko po siya mister-" 

"Ay nobyo niyo palang ba mam? Sabi niya kas-" 

"Hindi ko din po nobyo, kilala ko lang." Mabilis na pagtatama ko kay manong. 

"Ay ganun po ba?" 

Tumango ako at ako na mismo ang kumuha sa kamay ni manong para iaabot ang pera. "Kuhain niyo na po, maliit na halaga lang po iyan, pasensya na po." 

Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil alam ko na ipagpipilitan niya lang na ayaw niyang tanggapin iyon, dali-dali akong lumabas ng store. 

Likod ni Rayden ang sumalubong saakin, naka kulay puting polo kasi siya ang kaninang nakataas na sleeve noon ay ngayon nakababa na dahil siguro sa paninita ko sa tattoo na nasa braso niya. 

Okay naman eh, maarte lang siya. 

I was about to approach him, he suddenly blew smoke, he hadn't noticed my presence yet dahil siguro sa lalim ng iniisip niya. 

He smoke? 

Kailan pa siya nag umpisa manigarilyo? 

Isang buga pa ang ginawa niya, napaubo ako ng malanghap ko iyon. Nang marinig niya iyon agad siyang lumingo saakin. Ng makita niya akong umuubo dali-dali niyang inalis ang mga usok gamit ang kamay niya. 

Tinitigan ko naman siya ng masama. "You smoke?" 

Uncomfortable he quickly threw away the cigarette he was holding. "Just once.." 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now