After what happened I didn't notice anyone here at home, pakiramdam ko stranghero ako sa sarili kong bahay. Sarili kong pamilya.
Maski ang kapatid ko hindi ko na din pinansin, alam kung wala silang kasalanan pero may kung ano sa puso ko na sana manlang pinagtanggol nila ako.
Maaga ako pumasok sa paaralan ng araw na iyon, ramdam ko ang tingin ng bawat tao sigurado na kalat na ang balita, gusto ko na din umalis sa bahay namin. Hindi na mismo manggagaling iyon sa bunganga ng mga magulang ko.
Nakita ko ang tingin ni Jenzy saakin pero hindi ko iyon pinansin, kagaya ko alam kong may pinagdadaanan din siya, kalat sa campus ang paggamit niya ng pinagbabawal ng gamot.
I don't want to judge. Wala namang perpektong tao sa mundo.
Natapos ang oras na parang normal lang ang lahat, ang unang subject namin ay napalitan na ng professor. Samantalang balak ko naman ng umalis at mag impake muna.
May naglapag ng dalawang plastic sa harapan ko kaya agad naman umangat ang ulo ko doon, bumungad saakin si Rayden, nabunutan naman ako ng tinik akala ko kanina hindi padin siya nakakalabas sa kulongan hangang ngayon.
He smile atsaka naupo sa harap ko. "Hey, Tangi." Aniya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, pilit kong tinignan ang mga plastic na nilapag niya sa harap ko kahit wala naman akong pake kung ano iyon.
"Akala ko hindi kana babalik." Mahinang sabi ko, wala akong balak iparinig iyon sa kanya.
Kinuha niya ang plastic at binuksan iyon, nilapag niya ang iba't-ibang uri ng pagkain sa harap ko.
"Who said I wouldn't come back?" Tanong niya, inuna niyang nilahad saakin ang sandwich. "Babalik ako...Basta para sayo-"
Nagsimula kaming kumain ng tahimik, wala na ding tao sa room namin ilang oras pa bago ang sunod na subject, iniisip ko kung saan ako titira ngayon wala naman akong mapupuntahan at wala din akong pera pero kung mag s-stay ako sa bahay hindi ko din kakayanin ang trato nila.
"What's on your mind?" Napatingin ako dahil sa tanong ni Rayden.
"H-a?"
"Kanina kapa nakatulala, ano iniisip mo?" He look at me, tago iyon sa pagkatao ko. "Gusto ko malaman kung ano ang nasa isip mo?"
Ngumiti ako at umiling sa kanya, sigurado ako kapag nalaman nanaman niya ang plano siya nanaman ang sasalo nito.
Nagsabay kami kumain doon, nag dadalawang isip pa siya kanina ng matapos kami kumain kung uuwi siya o hindi, pero ako na din ang nagtulak sa kanya ang sabi niya may usapan sila ng mommy niya. Hindi na din ako nagtanong mas okay na nagkabati sila.
Ilang oras lang din ang tinagal ko sa klasae pagtapos nun diretso na sana ako ng uwi, ngunit napahinto ako ng makita ko kung sino ang nag aabang saakin sa labas ng paaralan ko.
She's wearing a floral dress, nakasandal din siya sa sasakyan niya. Hindi ko alam na meron na pala siyang sariling sasakyan, akala ko kagaya padin dati hatid sundo siya. I guess nakuha niya din ang tiwala nila mommy and daddy.
Masaya naman ako para sa kanya.
"Hey?" Bati nya ng makita akong lumalapit sa kanya.
Hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang Ate or tama lang na tawagin ko nalang siya sa pangalan niya.
Oo.. Hindi ko naman itatanggi na nagseselos na ako sa kanya ngayon, mukhang nararamdaman ko na kung anong nararamdaman niya sa tuwing laging pabor saakin ang mga magulang namin.
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...