Mabuti na ganito naming i-handle ang sitwasyon namin, wala man kaming kibuan dalawa atleast hindi kami nagsasabi ng masasakit na salita para saaming dalawa.
We are old enough to know na may isang bata na naiipit sa sitwasyon naming dalawa, kaya namin itong i-handle na walang ingay at siraan.
"Done?" Tanong niya saakin.
Nakaligpit na ang mga gamit namin ni Ayden, nagpalit ng din ng damit si Rayden tsaka siya lumabas ng kwarto niya. Bakas padin sa mga mata niya ang pag-iyak niya kanina.
Tumango ako at akmang lalabas na kami ng biglang may nagbukas ng pinto ng penthouse niya, napanganga ako ng bumungad saamin ang parents ni Rayden.
"Mom, Dad-" Lumapit si Rayden sa mommy niya at humalik. "Ba't kayo nandito dalawa?"
"We need to talk." Seryosong sabi mommy ni Rayden.
Bumaba ang tingin ng mommy ni Rayden kay Ayden at sa maleta namin, ganon din ang daddy niya pero ng mag tama ang mata namin ng daddy ni Rayden mabilis naman itong ngumiti saakin.
"We're leaving mommy, can't that be later?"
"No." Sagot nito. "It's just a moment, I just want to talk about something"
Rayden mom's looking at me now. "Ibigay mo muna si Ayden sa asawa ko, may kailangan lang tayo pag usapan tatlo."
Tinignan ko si Rayden na ngayon parang tinatanya din ang emosyon na nasa mukha ko, umiwas ito ng makita na nakatingin din ako sa kanya.
"Sige po." Sagot ko.
Binigay ko si Ayden sa daddy ni Rayden ngumiti pa ito ng kinuha niya saakin ang anak ko kaya hindi ko din maiwasan na mapangiti sa kanya, magaan ang loob ko sa daddy ni Rayden minsan nga gusto ko siya kausapin para humingi ng paumanhin sa mga ginawa noon ng magulang ko sa anak niya. Alam kong masakit iyon sa kanya bilang isang ama eh.
Sa office kami ni Rayden pumasok, hindi ito ang unang beses na nakapasok ako dito pero ayoko padin ng vibe ng office niya. Pag nandito kasi kami parang ibang tao si Rayden. Parang hindi ka makakatanggi sa lahat ng utos nito.
"Sit down both of you.." Utos ng mommy niya.
Naupo ako sa sofa samantala ang mommy ni Rayden ang nasa harapan ko, lumapit saakin si Rayden at tila nag aalangan pa umupo sa huli nagbigay siya saakin ng isang maliit na espasyo.
Huminga muna ng malalim ang mommy ni Rayden bago inumpisahan na magsalita. "The one you mentioned to me the other day, ang nangyare sayo.."
Bigla akong hindi makahinga sa sinabi niya, pinisil ko ang mga kamay ko.
"Mom-"
"Naisip ko na hindi mo naman talaga kasalanan iyon, the victim shouldn't really be blamed.. I don't care if you're drunk or sober ng mangyare ang krimen na iyon, as long as you didn't like what happened to you. Rape is rape.." Aniya. "I'm planning to take your case, I've been a lawyer for almost 15 years- Nakahawak na din ako ng mga kaso na kagaya ng iyo-"
"Hindi na po-"
"Let's do that mom.." Mabilis na putol saakin ni Rayden.
"Rayden."
"I know where it happened, I also know the date.. date, time, place.. Naalala ko lahat-"
"Rayden, stop.." Pigil ko.
Tumingin siya saakin at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.
"You can get the camera footage mom even if you don't issue an arrest warrant.. Kilala ko ang may-ari.." Pag papatuloy niya at ngumiti sa mommy niya.
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...